HIGH SCHOOL REUNION INUMAN SESSION
(oluaris kitakits 0200010060)
*i'll post my words after... pics muna...*
Countdown
Isang buong taon na hindi ko na naman makakalimutan, ang daming nangyari and parang wala lang lahat yun. Parang isang araw lang lumipas kasi ang bilis ng taon na 06, parang kelan lang naghahagilap pa ko ng school na mapapasukan sa college tapos super struggle sa calculus todo aral sa math para ma-maintain yung grades, pero ngayon parang walang nangyari ang bilis lahat.
Early 06, 1st time ko nakasimba pag fiesta ng Quiapo, di kasi ako nagsisimba pag marami masyadong tao dun, ang ganda ng celebration ng Quiapo evertime na nilalabas nila yung Nazareno, yun nga lang ang dami talagang tao, stampede yun pero si lola alive and kickin’ basta fiesta ng Quiapo. Speaking of stampede, grabe yung sa Ultra non para sa show ng wowowee, ang dami namatay….
And syempre yung 06 na taon na 1st time may nagpaalam sa family namin - si lola. Early 06 pa lang parang alam na nya, kasi kung ano ano pinagsasabi ni lola non, parang nagpapaalam na sya… eh February sya kinuha, dun ko naranasan umabsent ng todo sa school. Pero ayus lang yun, ayun ganun talaga ang life. Malungkot. And yung vacation ni tatay na dapat
Tapos, nagkaroon ako ng cellphone na may camera, gift saken ni tatay nung bday ko… alam mo na hindi naman kami mayaman eh saka hindi naman ako maluho. Hindi ako humihiling unless extremely need ko talaga sya. Yun nga lang less than three months lang saken yung cp tapos 1st time ko rin maranasan yung mga karahasan sa balita. Nadali ang cp ko tutsa…
1st term, intern. Ganun pala sa real world, you must keep your eyes open and your nerves working or else you will be lost behind. Masaya kasi parang 1st work ko yun, 1st time ko humarap as in what’s waiting for me after school, and it was really an unforgettable experience. At least kahit sandaling stay dun sa company I learned a lot at masasabi kong nag grow ako not only from being smart, but I find myself wiser. Now the devil in me is ready. Hehehe.
Syempre hindi mawawala yung mga achievements ng mga pinoy, yung sa
Kahit na nawalan kami ng aso- si Sage – may pumalit naman na bago – si Rock. Nabasa ko sa isang book ni Bob Ong yung about sa mga names ng hayop.. sabi nya pag masyado unique ang name madaling mamatay, kelangan daw yung simple lang saka madaling tandaan, mas maganda daw yung inuulit… Botbot, Neknek, Hadhad… hehe… eh yung name na Sage medyo unique nga kaya siguro nagkasakit yun, si Rock naman etoh silent but deadly… Nakakatuwa kasi may alaga na naman kami.
Tapos, year din ng 06 yung 1st time na may pumasok sa bakod namin, mga nanttrip na lasing na kapitbahay namin.. nakakatakot.. eh syempre puro babae kami dito sa bahay kaya super ingat kami sa pag lock ng gate and doors… Yung aso nga namin sa loob na ng house natutulog just in case na makapasok sila. Yung mga nantitrip sa bahay namin
Syempre marami rin akong nameet nung 06, sa laro and friends ng mga friendly friends ko yung iba. Masaya. And mas tumibay pa ang bond naming magbabarkada, katropapips…Tapos marami rin akong na explore na kung anu ano.. More on laro… turo saken ng mga classmates kong adik… pati ako tuloy naaadik na rin… Anu ba yan kababae kong tao, puro panlalaki ginagawa ko… Siguro this new year pagluluto naman haharapin ko.. Hahaha! Jowks lang yan.. asa pa ko… Mahina memory ko, hindi ko kaya tandaan mga ingredients.. And hindi ko talaga line ang pagluluto…
Eto nakagawa ako ng blog for my journals, or kung anu ano na gusto ko isulat, pag wala ko makausap. Hindi naman kasi ako madaldal na tao, hindi ako palakwento, kaya dito ko na lng nilalagay lahat ng gusto ko ilagay… Marami akong narealize… Basta marami.
So ngayong new year, marami akong gustong gawin. Wala naman akong new year’s resolution, kasi ayoko madisappoint kung sakali mang mabreak ko yun. Wala rin naman akong masyadong wishes, good health lang ng mga malalapit sakin – family and friends. Ayun, I hope this year is a blast for me and for all, a year full of exciting moments, and meeting interesting people, discovering new and having no regrets at all…. Basta I will just live this year as joyful as I could with my loved ones… Hope you will too!!! Enjoy this year!!!