a rush story... from a brain that runs so slow...
deal or no deal?!?!?! hehehe... *not edited*
NGITI
(FILITWO – E31)
Hanggang dito na lang ba ako? Hanggang titig na lang ba? Hanggang sulyap? Kailan ko kaya siya malalapitan? Makakausap ? at makita muli ang kanyang ngiti. Siguro nga’y hanggang dito na lang.
Isang linggo nang nakakaraaan ng unang araw ko sa kolehiyo. Ang paaralang pinapasukan ko ay isa sa mga paaralang pinagmamalaki ng Maynila, malaki, maraming estudyante, nakakapanibago talaga. Palibhasa’y lumaki sa probinsiya at nakipagsapalaran dito para makapagtapos ng pag-aaral, hindi ko inaasahang ganito pala ang mga tao dito. Parang hindi ko sila makalebel, tila ang tataas na di ko halos maabot. Simple lang naman ako, ayoko rin naman ng mataas ang tingin nila sa kin, siguro darating din ako doon, pero di pa sa ngayon, masasanay din ako.
Dahil sa kauumpisa pa lamang ng klase, at sa laki ba naman ng pinapasukan ko, tulad ko, marami pa rin estudyanteng nalilito sa kani-kanilang silid. Nasan ba tong room ko? Hindi nila alam. Buti na lang nakapaglibot ako dito bago pa magsimula ang klase kaya di ako naligaw. “Excuse me po, saan po ba ung Hall of Tech.?”, tanong sa akin ng isang babae. Noong una’y di ko siya napansin, di ko rin naman kasi narinig ang tanong niya. Inulit nya ulit. Tumingin ako sa kanya, maganda pala siya. “Ha?!”, ang tanging nasabi ko. “Thanks na lang po”, sabi niya sabay alis sa harap ko. Bakit “ha” lang kaya nasabi ko? Siguro nagulat lang ako sa kanya, o di kaya’y nasilaw ako sa kagandahan niya. Mukha naman siyang mahinhin, ang ganda nga ng tanong niya sa akin, may ngiti pang kasama.
Lumipas ang isa, dalawa, hanggang sa magtatlong buwan, katatapos lang ng midterms. Marami-rami na rin akong nakilala, kahit tahimik ako sa klase, di naman ako nagpapahuli. Nasanay na rin ako sa buhay Maynila.
Naglalakad ako papuntang elevator, nagmamadali ako kasi baka mahuli ako sa klase, kakahiwalay lang namin ng kasama ko, yung kasabay ko kumain ng tanghalian, nakatingin pa ko sa likod habang naglalakad. Pagharap ko, oops…, nabangga ako. Ang sakit ng likod ko dahil napaupo ako, ano ba yan di kasi ako tumitingin sa dinaraanan. “Uuyy, sorry..”, tinig ng babae, inaabot niya yung kamay niya para itayo ako. Nakakahiya naman! Babae na nga nakabungguan ko tapos ako pa yung natumba. Inangat ko yung tingin ko para makita ko kung sino siya, kilala ko siya, nakita ko na siya no’n. “Hindi, sige kaya ko na”, tumayo ako, pinulot ko yung gamit niya na nahulog. “sorry ha”. “Okay lang wala yun”. Siya yung babae na nagtanong sa kin kung saan yung Hall of Tech. “Tin,
Lumipas ang mga araw, lagi ko siyang hinahanap sa hall, baka makita ko ulit siya, excited na ko. Mukhang tinamaan yata ako sa kanya. Gusto ko ang mga ngiti niya, ang tatamis na parang ayoko nang alisin ang mata ko sa kanya, lagi ko nga naiisip yung nabunggo ako. Mahaba ang buhok niya, katamtaman ang kulay ng balat, hindi naman siya matangkad, katamtaman lang, katamtaman lang ang lahat sa kanya kung titingnan siya maiigi, pero para sa akin, isang daang porsyento na ang lahat sa kanya’y maganda.
Sa araw-araw na pag-upo ko sa may hallway, ano pang inaasahan ko, edi makita lang si Tin. Nakikita ko siyang naglalakad kasama mga kaklase niya, nakikpagtawanan. Umuupo rin sila sa gilid ng hallway minsan, kaya nga lagi akong nandun pag wala akong klase. Kapag naroon na sila naka-tambay, umuupo ako kung saan makikita ko siya ng harapan, para makita ko uli yung ngiti niya, yun nga lang hindi na para sa kin. Okay lang di ko naman nanakawin kung para kanino yun, baka sa darating na araw, para sa akin na ulit yun. Ganoon lagi ang ginagawa ko, tingnan siya, nahihiya kasi ako. Nahihiya akong lapitan siya, ang dami niyang kasama baka asarin lang nila ako. Gusto ko nga siya kausapin, kaso nahihiya talaga ako.
Dumating ang araw na napansin kong paunti nang paunti ang mga kasama niya. Hanggang sa isa na lang ang kasama niya. Lalaki. Mula sa aking kinauupuan, tanaw ko ang bawat galaw niya. May hawak ang kamay niya, kamay ng lalaki, kamay ng katabi niya, kamay ng kausap niya. Boyfriend niya ? Hhmm.. malamang. Hawak kamay, magkasama lagi, nagsusuyuan, malamang boyfriend niya nga. Aray! Yung dibdib ko mukhang sasabog, ang sakit, dahil ba iyon sa nakita ko. Gusto ko nga siya. May boyfriend na pala siya. Ang bagal ko kasi! Bigla ko naisip,
Ganun pa rin ang ginawa ko, tumambay sa hall, tingnan siya mula sa kinauupuan ko, kahit may boyfriend na siya. Hindi ko naman siya aagawin eh, hindi ako ganun. Nakikita ko silang nag-aaway, umiiyak siya minsan. Si Tin, umiiyak lang sa kanya? Dun sa lalaking walang kwenta. Nakakainis sila panoorin. Ans sarap sapakin nung lalaki, pinapaiyak lang niya si Tin. Hindi bagay sa kanya ang umiiyak. Minsan nga gusto ko ng lumapit, patahanin siya, patawanin muli, at ibibigay niya muli sa akin ang kanyang ngiti. Kaso hindi ko magawa. Baka sabihin nilang paki
Hanggang dito na lang ba ako? Hanggang titig na lang ba? Hanggang sulyap? Kailan ko kaya siya malalapitan? Makakausap ? Makita muli ang kanyang ngiti. Siguro nga’y hanggang dito na lang.
0 comments:
Post a Comment