Ikaw at Ako Chapter 6
Title: The Three Eggs and I
Lunch na! As usual, kasabay ko na naman kayo kumain, pero this time working lunch tayo, este training lunch pala. Tinawag ako ni Von para sumabay na ko sa inyo. Buti pa si Von lagi akong niyayaya. Hmp. Oks lang kasabay naman kita eh. Nauna na tayong kumain bumili pa ng food sila Amy eh.
Von: Anong ulam mo? Ikaw nagluto nyan?
Ako: Yep. Omelette.
Ikaw: Wow naman. Sarap naman nyan.
Ako: Nyek. Itlog lang yan. Saka madali lang yan lutuin. Gusto nyo? Bigyan ko kayo. (Bnigyan ko si Von, ayaw ni Ano)
Von: Subo mo daw kay Owe.
Ikaw: Tikman ko nga..... Hmmm..
(Biglang may pumasok na babaeng naka maiksing skirt sa pantry. Alam kong violation na yung ganun kaiksing palda, shempre napatingin naman etong mga boys. Tumingin sa legs. Nagtinginan sila at nagtanguan ang mga hayup. Deadma lang ako. Tuloy ang usapan na parang bigla akong nawala sa mundo nila na sila lang nagkakaintindihan, tapos maya maya sumulpot ako ulet.)
Von: Ok ah. May ham and cheese pa.
Ako: Tsss.. (tuloy lang sa pagkain. Nahihiya ako wala si Amy di ako sanay. First time ko makasabay tong tatlong itlog na to na ako lang mag isa.)
Ikaw: Oh eto try mo naman yung sakin. Subuan na kita.(Sinusubo nya saken yung ulam nya)
Von: Yiiihiiieeee...
…
Ako: Hindi. Sige. Kaya ko na. (Ayoko makipag cheesyhan na kaharap tong mga to… Mejo wala ako sa mood kasi naiilang ako… Ni hindi nga ko makakain ng maayos eh)
Von: Tara na nga Ano. NaoOP tayo dito. Haha.
Ako: Ewan.
Von: Bakit? Tingnan mo si Owe. Wala ka ng hahanapin jan. Tingnan mo..
Ako: (deadma... tuloy tuloy sa pagkain… Sa isip: Wala na nga kong hahanapin jan, eh sya naman may ibang hinahanap… )
Von: Magkaseryosohan nga tayo Zel. May boyfriend ka na ba?
Ikaw: Meron yan. Yan pa.
Ako: (umubo... muntik na mabilaukan... uminom ng tubig… sobrang nahihiya na ako, bakit ba kasi ako ang hot seat)
Von & Ano: Hahaha! Parang ang hirap ng tanong eh noh. Mga babae talaga!
Ako: Ha? Kumakain kaya ako.
Von: Assuuss...
Ikaw: (tahimik lang.)
After kumain, hindi mo ko masyadong pinapansin, oks lang busy naman kasi kami ni Von magkwentuhan bout sa life nya. Ok sya kakwentuhan, natural lang. Hindi takot magsalita pero maingat. Pagpasok natin sa training room, umupo ka sa malayo saken.
Ako: Oh bat ka nanjan. Dito ka tabi ka saken.
Ikaw: Di sige. mamaya.
Mga after 10 mins, lumipat ka ng upuan. Sa tabi ko na.
Ikaw: Phone mo yan? (Tinuro yung cp ko na nasa table)
Ako: Oo. Bakit?
Ikaw: Touchscreen yan?
Ako: Hum. (means oo. Mahilig ako sumagot ng "Hmm" lang ang sinasabi)
Ikaw: Eto rin saken eh. (Nilabas yung phone nya na hindi naman touch screen, tapos nagpipindot)
Ako: Haha. Hindi naman eh.
Ikaw: Hihi. Eto meron pa kong isa. (Nilabas yung mas sosyaling phone nya)
Ako: Yaman! Daming phone.
Ikaw: May mga laro jan? Patingin ko nga.
Ako: Oh. (Binigay ko yung phone ng hindi iniisip ano makikita dun. Sa bagay wala naman ikaw makikita dun.)
Ikaw: Pano to? (pindot pindot)
Ako: Ganito. (Tinuruan kita mag navigate. Wala naman saken na hawakan yung kamay mo kasi hawak mo yung cp ko, tinuruan kita mag games.)
Ikaw: Aaah...
Maya maya, nagring yung phone ko.
Ikaw: Oh anu yun!
Ako: May tumatawag. (kinuha ko yung phone ko, sinagot ko) Hello? Oh Bos. Ha? Ok. Sige. Akyat na kami. (binaba yung phone)... Di daw tuloy yung training. Akyat na daw tayo.
Pag upo ko sa seat ko, napaisip ako. Teka, ano kaya nakita mo sa phone ko. Hmm. Feeling ko naman hindi mo kinalikot masyado. Pero ang daya dapat pala hiniram ko rin yung phone mo para fair. Hmmp. Sige next time. Saka meron pa palang isa. Bakit ba hindi ko sinagot yung tanong ni Von. Wala naman akong bf. Simpleng wala lang, di ko pa nasabi. Ano bang nangyayari saken... Tsk. Baka akala nung mga yun meron. Sa susunod nga, sabihin ko wala.
Pumunta ako sa pantry nung merienda na, umupo muna ko kasi inaantok ako. Maya maya sumunod Ikaw, umupo sa tabi ko.
Ikaw: Haay.. Pagod ako.
Ako: Baket?
Ikaw: Gumimik kagabi. Wala. panget ng tulog ko.
Ako: Aah.
Ikaw: Pero masaya enjoy naman.
Ako: San ba yan?
Ikaw: Jan lang.
Ako: San nga?
Ikaw: Iiihh.. Basta dun sa may gimikan.
Ako: Huh? Anong gimikan nga? Para naman matry ko.
Ikaw: Hindi. Pang lalaki lang yun. Saka sila lang naman nag enjoy. Naiwan ako sa sasakyan. Hehe.
Ako: Sinong nag eenjoy sa sasakyan na ung mga kasama mo nandun sa labas. Unless, may kasama ka sa loob. (kindat)
Ikaw: Wala. Wala lang yun.
Ako: San ba kasi yan. Bat ayaw mong sabihin? Hindi naman tayo magkikita dun. Maganda ba dun?
Ikaw: Haha.
Ako: Ano bang lugar yung pang lalaki lang? CR ng mga lalaki?
Ikaw: Pede.
Ako: So nag eenjoy ka sa CR ng mga lalaki? .... Oh no!!! Sister???!?! (tawa ng malupet) Haha!
Ikaw: Hinde! Haha!
Ako: Ah alam ko na... May stage ba yan.. sa gitna? tapos may sumasayaw na babae? (sabay ngiti)
Ikaw: Mga pinag iisip mo ang babastos.
Ako: Huh? Anong bastos dun?
Ikaw: Bad naman.
Ako: Sabi mo gimikan. Anong bastos sa concert? Malay ko ba kung concert yan ni Pops Fernandez, na sumasayaw sa stage. o Kaya ni Sarah Geronimo. Haha. Ayus mga trip nyo ah!
Ikaw: Hahaha! Ayus ka ha!
Tawa ka lang. Sige. Libre yan. Ngumiti ka, tumawa ka... Jan ako nahuhulog. Pag nakikita ko yung ngiti mo sobrang naaattract ako, lalo na pag nakatingin ka saken. Yes naman! Ako na panalo!
Ako (evil version): Tae ka Zel! Wish mo lang!
Ako (matinong version): Sabi ko nga eh...
----
0 comments:
Post a Comment