Ikaw at Ako
Chapter 11
Title: Either
Nagmadali akong pumunta ng shuttle kasi late na ko, pagsakay ko nakita kita nasa dulo nakaupo. Lumingon ka, tumango lang ako and umupo sa kabilang dulo, same row ng upuan mo. Second time na kitang makakasabay papasok, nga lang magkahiwalay tayo. May katabi ka na kasi nung dumating ako eh.
Mga 700meters away from office, pumara yung dalawang nakaupo sa gitna naten. Anu ba yun, first stop pero sa dulo nakaupo, di naman sila magkakilala pero pareho silang bumaba which means wala ng sagabal saten... Yiieee..Grabeness!
So umurong na ko palapit and tinanggal ko yung earphone sa kaliwa kong tenga para marinig kita. Tapos umurong ka rin papalapit saken. (Iiihh...)
Ako: Late ka na.
Ikaw: Ha. Hindi pa ah.
Ako: Hindi ka naman ganitong oras pumasok di ba?
Ikaw: *tumingin saken... nakataas ang kilay*
Ako: I mean, pag dumadating kasi ako, nakaonline ka na agad. (Anu ba to, muntikan na ko ah!)
Ikaw: Bakit ganitong oras ka ba pumasok?
Ako: Mejo.
500 meters away from our building, may bumaba ulet.
Ikaw: Bakit pag saten, walang nagsasabi ng "Manong para po".
Ako: Hmm? Hmm... (tingin sa labas... actually hindi ko narinig yung sinabi mo. hehe.)
Ikaw: ... Ano nga no?
Ako: Ha? (tinanggal ko na yung earphone sa kanang tenga ko... Naku sorry po kuya Ikaw)
Ikaw: Sabi ko, pag bababa na saten walang nagsasabing "Para".
Ako: Eh automatic na kasi na i-stop dun yung sasakyan.
Ikaw: Eh pano nya naman malalaman na may bababa dun.
Ako: Oh sige edi sabihin mo mamaya.
Ikaw: Aaaaahhhhhhhh... "Maaa... maaa..." Haha! (sabay tawa ng malakas... )
Ako: Ahahaha! (Nakisabay na rin sa tawa mo... Oopss.. Ang ingay naten sa sasakyan, nakakahiya, ikaw talaga kerengkeng!!! haha joke lang!)
Tumingin ako sayo nung malapit na tayo ibaba.
Ako: Oh bakit di mo sinabi.
Ikaw: Eh nauna syang huminto eh.
Ako: Weh..
Ikaw: Manong para... Oh ayan sinabi ko.
Ako: Sus..
Nauna na ko bumaba tapos inantay kita... As usual wala tayong pinagusapan habang naglalakad and lumiko ka na naman sa unang building para bumili ng food… Naalala ko tuloy yung 1st time kita nakasabay sa shuttle.
Flashback
Friday, jeans day! and ngayon, wavy day din.. So nagcurl ako ng hair early in the morning, saglit lang naman yun saken 20mins. Ok lang... I feel cute. wehehe... Ako na!
Isa na lang ang hinihintay sa shuttle, lalarga na. Bigla ka sumakay and umupo sa harap ko. Nagulat ako kala ko kung sino. Tinanggal ko yung earphone sa isa kong tenga then hinawakan ko yung tuhod mo, kasi yun yung malapit saken. Lumingon ka, ngumiti and tumango. Ngumiti din ako, para tayong naguusap sa mata, parehong sinasabing "Uy..." Yesss… pero hindi pa kita gusto non…
Hindi tayo nagusap buong byahe, tahimik lang ako nakinig sa music and ikaw nagmumuni muni sa paligid.
Pagbaba nauna ka saken, tas inantay mo ko.
Ako: Late ka na ah.
Ikaw: Ikaw rin.
Ako: Patay kay Bos.
Habang naglalakad, wala naman mapagusapan. Kaya yun lang talaga yung nasabi naten.
Ikaw: Magbreakfast muna ko.
Ako: Sige…
And lumiko ka na sa unang building, habang tumuloy ako sa kabilang building.
-end of flashback-
Lunch na! At infairness, niyaya mo ko kumain this time. Sabi ko lang susunod ako kasi mejo busy pa ko nung nag aya ka. Sumunod na rin ako kaagad after ko matapos yung ginagawa ko. Pagdating ko sa pantry…
Von: Oh. Kain na. Dun sabayan mo si Owe.
Ako: *ngumiti lang and tumango, diretso sa oven, naginit ng food*
Habang nagiinit ako ng baon ko, napansin ko puro girls pala yung nasa table ni Von. Aah.. Anu yan puro pinsan na naman nya. Haha. Wala dun Ikaw. Nasa dulong table, ikaw lang mag isa sa table. Nakita mo ko and inaya… tumango lang din ako. Hindi ka pa nagstart kumain, may ginagalaw ka pa sa phone mo… Chinicheck mo na naman siguro irog mo, “Beh kumain ka na ba? kakain na ko.. Miss you”, “Beh kain na tayo! miss u”…. I always hate na nakikita kita sa ganyang scene, hawak cellphone mo and nakangiti… Masakit sa mata … or mata ba talaga? Whatever… Haysstt… ang tagal naman ni Amy bumili ng food, ayokong sumabay sayo ng mag isa… Nginginigin na naman ako ng kilig… Huhu. Anak ng tipaklong tong si Von, di na lang sa table mo kumain.
Umupo na ko sa table mo after ko magheat.
Ikaw: Nu baon mo? (sabay tago ng phone…)
Ako: Eto fish. Kaw?
Ikaw: Eto. Wala bang desert?
Ako: Wala eh…. (Errr tagal nila Amy ah… Kanina pa ko tingin ng tingin sa pasukan… Petsa na!)
Ikaw: Busy kayo?
Ako: Mejo. Kayo ba?
Ikaw: Ayos lang.
Ako: Ahhmm… (Ugh. di ako makakain ng maayos. Naiilang ako anu ba to… Tsk)
Ikaw: Uuwi ako.
Ako: Oh? Pasalubong!!!
Ikaw: Haha… Ikaw na ang pang… ilan ba? Mga 20th na nagsabi saken nyan.
Ako: Edi magdala ka ng 20 na, pasalubong saken ung last. Hehe.
Ikaw: Wala naman dun seasonal fruit ngayon.
Ako: Ok lang kahit ano. At least meron.
15mins after…. pagtingin ko sa pasukan nandun na sila Amy. Si Bos may binubulong sa kanya tapos nakatingin saken and nakangiti. Sumenyas ako na tinatawag ko sila and tumayo na rin ako sa upuan. Tumabi ako sayo.
Bos: Hmm… anu to date?
Ako: Bat ang tagal nyo?
Amy: Dapat dun na lang kami sa kabila umupo eh. Sweet nyo eh.
Ako: (No comment)… Kain na.
Habang kumakain tayo, shempre nagkkwentuhan… Nagjojoke… Tawa… Kaen… Pero this time, di ko napigil kurutin yung tagiliran mo, kasi inaasar mo ko… Kaineesss haha! Tama ba naman gayahin ako. Anak ng. Buti na lang hindi nakita nila Bos, ang cheesy nun pag nagkataon. Pero kinilig ako dun ah, kasi hinawakan mo yung kamay ko. Hihihi. Anyway, saglit lang naman yun in the middle of tawanan session.. Haanngg cuuttee mo talaga ngumiti… May stars stars sa paligid!
Merienda time! Niyaya ko si Von, mag coffee… Feeling ko kasi sya lang free and padalaw dalaw sa pwesto ko tapos nagkkwento daldal… Edi dun na lang sa pantry.
Von: Oh kamusta na kayo?
Ako: Nino?
Von: Ni Owe.
Ako: Wala. Baket? Anu bang meron?
Von: Ayaw mo ba?
Ako: Ano ba yang sinasabi mo? Di kita magets! Saka bat ganyan yung topic naten?
Von: Wala lang. Eh malapit na rin ako lumipat. Tinutulungan lang kita…
Ako: Ano?! (Nagtataka ako kay Von bakit nya sinasabi to nakakainis!!!)
Von: Alam ko di na kayo pede. Pero sabi ko nga di ba, ang manok pag nakatali madaling mahuli.
Ako: Hahaha! Ewan ko sayo! (Bakit ko ba to niyaya magcoffee… Errr)
Von: Gusto mo ba?
Ako: Bakit ang seryoso ng usapan naten? Hindi ako sanay… Saka wag ka naman ganyan makipagusap. Ang gara mo ah. May audition ka ba sa telenobela? Mag aartista ka?
Von: Bakit mo ba iniiba usapan? Sagutin mo na lang!
Ako: Tssss… (tiningnan ko sya mabuti…)Gusto ko.
Von: Sabi ko na nga ba.
Ako: Pero ayoko na OK. Kung pede lang tanggalin tong nafifeel ko, ginawa ko na sana…
Von: Pareho naman kayong nagpipigil eh. Shempre alam ko rin yun.
Ako: Ttsss… bat mo ba sinasabi yan? tama na nga to. Tara na. Wag ka maingay yari ka saken!
Von: Kakaupo pa lang naten ah. Di ko pa nauubos kape ko.
Ako: Oh sige. So san ka na next?
Von: Wala pa. Pero malapit na… Bakit di mo pala sabihin?
Ako: Sabihin na? Hindi pa ba halata? Kita naman sa mata ko di ba?
Von: Eh wala namang meaning yun hanggat di sinasabi.
Ako: Hmmm.. Parang ako.
Von: Ako magsasabi!
Ako: Ano?! Tae… Gusto mo mabalian? o maputulan?
Von: Malay mo…
Ako: Wala na nga yon… Tigilan mo nga mang asar! Umiiwas na nga ko eh…
Von: Umiiwas ba yon, eh sabay kayo kumain kanina…
Ako: Eh ikaw kasi… Kasabay mo yung mga pinsan mo… Saka sabi mo sabayan ko sya ah…. Sus.
Von: Hahaha! Ah sinabi ko ba yun? Ay uuwi pala sya.
Ako: Oo nga eh. Sabi nya saken kanina… Parang feeling ko may something… Parang ang weird nya kasi nung mga nakaraang araw… o baka excited lang yun. This time, mahaba yung leave nya. so susulitin nya yun.
Von: Yun din naiisip ko, kase nakausap ko sya lately. Hindi naman talaga kami nagusap kasi tahimik sya lately… Napansin ko lang.
Ako: Bakit mo sinasabi saken yan?
Von: Wala lang. Para ready lang. Hehehe.
Ako: Adik. Wala na naman na… Hands up na ko OK. Kung ano man mangyari, ok lang yun…
Von: Hmm. Yaan mo na nga yon. Laki laki nya na eh!
Ako: Oo nga! Ikaw kasi! Bakit mo ba ko tinatanong? Eh kayo kamusta ni….
Von: Oh ubos ko na yung kape ko… Tara na… Nangangawit na ko nakaupo… (sabay tayo, iniwan ako sa table)
Ako: Potek! Adik ka talaga! Dugas mo ah!!! (Sinundan ko sya, pero wala ngumiti lang… And lumabas na ng pantry… Tae talaga yun!)
Something will happen, I can feel it. Tahimik nga Ikaw these past few days, ano kaya meron? Bakit alam ni Von? Or alam nya kaya? Hmm… dalawa lang iniisip ko pagbalik mo… Either single ka na, which is not a way possible and a miracle for me already pag naging ganon. Bakit ko ba kasi kinacount yan, alam ko namang imposible…. Or either tatay ka na, which is the nearest possible na mangyari… So alin kaya dito…. Hmmm….
0 comments:
Post a Comment