Ikaw at Ako
Final Chapter
Title: Ikaw
“Kailan kaya maibabalik ang nakaraan
Ngayong aking puso'y puno ng kalungkutan
Subukin man ang magmahal
Umibig pang minsan kahit sa pangarap man lng
Ikaw ang tangi kong mahal
Ang laging kong dasal na sana ay matagpuan
Ikaw, hangang sa kailanman
Hindi magsasawa na magmahal kahit nasasaktan…”
Ttss... ano ba tong song na to, nahalo sa rnb-hiphop folder ko. Bakit dito ko ba to nalagay? Hmf.. As usual nakikinig na naman ako ng music papasok ng office. Magsasara na yung elevator ng biglang bumukas yung door, sige oks lang di pa naman ako late...
Wait. oh. em. gee… Holy toot... Tama ba tong nakikita ko? Biglang nagslowmo ang paligid... Papasok ka ng elevator. Pero may iba sayo. bakit meron kang ribbon sa leeg, para kang isang malaking regalo. Saka bakit ang pormal ng porma mo, may coat ka pa and naglalakad papunta saken.. *gulp* Oh no.. Lord.. Am I seeing my birthday gift?! Eto na ba yun? eto na ba yun?
wait. May kasunod kang pumasok ng elevator, mga employees din. Oh no, makikita ka nilang nakaganyan!
Ikaw: Uy.
Ako: Oh. (sabay pikit pikit ng mata... Tiningnan ko ulit yung suot mo, and yung ribbon mo sa leeg... Wala na yung kaninang nakita ko! Asan na? Sino yun? Tumingin ako sa ibang nakasakay... wala naman...)
Ikaw: Bakit?
Ako: Ha? Ah. Wala. (Tsk.. huhuhu... puyat ba ko? Bakit ako nananaginip ng gising.. waaahh...)
Ako: Nakabalik ka na pala. Musta bakasyon?
Ikaw: Masarap.
Ako: Pasalubong?
Ikaw: (tingin saken..) Oh dito na tayo.. Tara baba na.
Sumunod lang ako sayo. Buti na lang di mo alam na bday ko ngayon, baka inasar mo na ko na magtreat ako. Di kita tatanggihan, basta bigay mo yung pasalubong ko. Haha Joke!
Lunchtime... aah tahimik pa rin ang araw ko, pero ayoko magpakita sa inyo. Kaya sumabay ako sa kabatch ko maglunch. Nagliwaliw na rin ako sa labas since wala naman akong ginagawa. Bumalik ako sa table ko ng may choknut na dala.
Nung merienda time na, nagpop si Amy saken. Niyayaya ako sa pwesto nyo, may pasalubong ka daw. Sige ok lang, di nyo naman ako makukulit kasi di nyo alam na bday ko eh. Pagdating ko sa pwesto nyo...
Amy: Oh. Bigay ni Owe. (sabay abot saken ng keychain na slippers)
Ako: Whoa. Galing sa kanya to? (ang tae hindi na lang ikaw ang nagabot)
Amy: Oo.
Ako: Oh, eh ano yung sa iba?
Von: Eto! (sabay pakita saken ng keychain din, na itak)
Ako: Oh ang cute. Thanks Owe.
Ikaw: Wala yun.
Ako: Eto lang? Walang food? Hehe.
Von: Sabi ko na nga ba sasabihin mo yan eh... Inaantay ko talaga sa bibig mo yan.
Ako: Ewan ko sau. Gutom ka rin eh.
Amy: Oo nga.
Ikaw: Meron ako dito, candy.
Amy: Waaa.. Hindi ako kumakain nyan.
Ikaw: Zel kumakain ka neto?
Ako: Oo naman... (Gusto mo pa pati ikaw eh.. Haha! joke!)
Ikaw: Masarap to. Sige tikman nyo.
Kumuha kami ng tigiisa, isa rin kay Bos and Ber.
Von: Oh! May may bday pala... (hawak ang iphone nya, habang nagchecheck ng facebook)
Ako: Hmm? (Natigilan ako. Shet. Alam na kaya ni Von)
Von: Ah.. barkada ko.
Ako: (Whew tae kala ko ako! Buti naman...)
Ikaw: Pa experience naman nyan. Pacheck nga pre.
Von: Tingnan na lang naten yung wall mo pre.
Ikaw: Sige nga. Matagal din ako di nakacheck.
Von: Oh.... (habang nagbbrowse...) OH!!! Totoo ba to pre?!
Amy: Anu yan? Patingin!!!
Von: Sige oh. Basahin nyo nasa wall ni Owe. (sabay bigay sayo yung phone)
Binasa natin lahat yung nasa wall mo. Greeting sya from someone na kilala mo. Pero hindi galing sa gf mo. Greeting sya from abroad. Sinasabi nya na narinig nya na wedding mo next year and hindi sya makakapunta ng ganong dates.
Nagatrasan palayo sa phone yung mga ulo naten pakabasa nating lahat. At biglang may tumatapik sa likod ko, pero mahina lang, pero masakit kasi mabigat.
Ako: (tumingin kay Von...) Aray ko naman.. (mahina lang.)
Von: Hehe. Minamasahe lang kita eto naman. Masakit ba?
Ako: Bigat kaya ng kamay mo... (Oh. yung mga mata ng kateam mo nasaken.. problema netong mga to?)
Von: (nakasmile saken...ngiting aso ampotek.)
Ako: (Gets ko na!) Wow! Congrats! Hehe... (with matching tapik sa likod mo)
Ikaw: Hmm? (at nakatingin saken...)
Ako: (tingin din... 5 seconds... 10 seconds... bakit parang huminto na naman yung oras... ang sikip na naman ng dibdib ko... tubig... tubig... 15 seconds...) Bakit?
Ikaw: *smile lang na maliit*
Amy: Owe congrats. Kaya ka pala umuwi ha.
Bos: (tinalikuran saglit yung monitor nya...) Congrats naman. Uunahan mo pa ko ah... (sabay balik sa work)
Von: Pre, congrats. May kilala na ko sasayaw sa stag party mo.. (nakatingin na naman saken)
Ikaw: Haha.. Aga naman nyan.
Von: Magkwento ka naman.
Ako: Oo nga.
Ikaw: Wala yun. Shempre yung usual lang. Bigay ng singsing. Oh tapos.
Amy: Anong singsing binigay mo?
Ikaw: White gold.
Amy: Whoa... Ang sweet mo naman. So next year na talaga?
Ikaw: Tingnan pa...
Ako: (yung kamay na naman ni Von, tumatapik tapik na naman sa likod ko...)
Von: Hhmm...
*tooot* at tumutunog ang phone ko...
Ako: Hello? (sabay senyas sa inyo na aalis na ko, tapos tinuro ko yung phone...)
Buti na lang. Save by my ringtone at nakaalis rin ako sa pwesto nyo. Hindi naman talaga call yun. Text lang yun. Sinagot ko lang para makaalis na ako, at napupunta na ung puso ko sa puson ko sa sobrang bigat ng feeling. Ayoko na makarinig ng anu pang galing sayo ngayong araw. Ahh. I guess that's what we call "Good news from an angel for you and a birthday greeting from an un-angel for me". Sadness...
Umupo na ko sa table ko. Tsk gusto ko ng umuwi. First time kong pumasok sa office na bday ko, madalas naka leave ako pag ganitong araw. Since wala naman akong pupuntahan, and wala rin naman akong gagawin sa bahay, edi pumasok na lang ako. Pero sana hindi na lang ako pumasok, since wala naman nakakaalam na bday ko ngayon, si sis lang. Wala na naman sya sa tabi ko, sana hindi nya pagkalat.
Pero yun ang akala ko, pag open ko ng email ko... bumulaga ang bday greetings ni sis at ang nakacopy, shempre yung tropa nyo. Ang malupit pa nun, yung postcard na ginamit eh yung profile pic ko dati.. ugh! sssiiss! Nakakahiya!!! Waaaa...
Sa email:
Sis: Happy Birthday Liezl! *postcard*
Ber: Happy Birthday Liezl! Libre naman!
Bos: Wow! Parang poster o. Happy Birthday!
Ano: yun o maligayang bati hahahaha
Bert: Happy Birthday Agua
Von: Ipagbunyi ang araw ng yung kapanganakan..Viva Señiora Liezelaaaaa
Amy: Maligayang Kaarawan Liezl!!!!
Dan: Liezel ikaw n ang model ng chocolate hills. Happy birthday!!!
Ikaw: Isang talong na salad para sa bday ni Liezl… heheh
Ako: Thank you ng madami peeps!!! Apir! Apir! Muahugs! !???
*Nahiya naman ako sa postcard.. hehe.
Hayst. sira ang plano ko na tahimik na birthday. Before pa ang greetings, bumulaga na ang bonggang bonggang birthday gift galing sayo. Nagpunta ako ng pantry para makapagmuni muni, dinala ko yung phone ko, and naupo sa pinakadulong upuan na malapit sa window.
Uminom ako ng kape, ng may biglang tumapik sa likod ko.
Ako: *pfft* Pwe! Shet ka Von! Muntik ko na matapon!
Von: Masaket?
Ako: Kanina mo pa ko tinatapik ah. Kaw tapikin ko di kaya masakit?
Von: Masaket nga?
Ako: Oo. Anak ng.
Von: Sabi ko naman kasi sayo ako na lang magsasabi eh.
Ako: Tae. yun ba sinasabi mo. Sows.
Von: Oh ano, nagenjoy ka ba sa birthday mo? Hahaha.
Ako: Tawa eh noh. (taena neto ang sarap murahin… ayos mangasar eh…)Ayos naman. Haha! Ang sarap! Ang saya! Haha! *apir*
Von: Patugtog ka nga, nabuburyo ako eh. yung mahina lang.
(Nilapag ko yung phone ko sa table, and nagpatugtog ng mahina.. kung anong song yun na yun... puro rnb.)
Von: Yun oh. Two. Zero. One. Two... Whoaaa...
Ako: Ang ingay mo.
Von: Oh. mas maingay yang nasa dibdib mo.
Ako: Ganon.
Von: Ok lang yan. Ganun talaga mga lalaki. Paasa. Haha.
Ako: Hmm..
Von: Kala mo meron. Pero wala pala. Masaklap nun, pag akala mo meron. Tsk tsk.
Ako: Hmm..
(After 15mins...)
Von: Oh pre!
Von: (pabulong saken...) Oh pagalitan mo na.
Ako: Huh? (paglingon ko...) Oh. Ikaw pala.
Ikaw: Oh anong ginagawa nyo dito? Ayus sa sounds ah. Upo muna ko.
Von: Hello? Hello? (biglang sinagot yung phone nya.. parang wala namang tumawag..) Jan muna kayo, kausapin ko lang to.
Ako: Acting ah.
Von: Anong acting? Totoo kaya to.
Ikaw: Sige Pre.
Ako: Sus.
Ng nakaalis na si Von...
Ikaw: Bday mo pala ngayon, walang pakain?
Ako: Wala eh. Nagpapakin lang ako pag di ko bday. Hehe.
Ikaw: Ah kaya pala.
Ako: Patayin na natin ung sounds.
Ikaw: Wag muna. Mamaya na. Nakikinig pa ko eh.
Ako: Oh tapos na yung song.
Ikaw: Mamaya na may susunod pa jan.
Ako: Tsss...
Kailan kaya maibabalik ang nakaraan
Ngayong aking puso'y puno ng kalungkutan...
Ako: Panget. Lipat. (Inabot ko yung phone ko...)
Ikaw: (Inabot mo yung kamay ko... para pigilan ako sa paglipat ng song... Nakatingin ka saken...) Ok na yan.
Ako: (Tumingin ako sayo, and ngumiti ng konti.. then binitawan mo yung kamay ko. Para ka pang naghesitate akong bitawan. Kala mo naman totoo. Hmp! So we went on na nakikinig sa song.. Nakatingin ako sa malayo, sa window... pero nararamdaman kong nakatingin ka saken... Sumulyap ako sayo, tama nga ko. Nakatingin ka na naman saken... Ayaw kitang tingnan kaya binalik ko yung mga mata ko sa mga ulap, bahay, bundok, airplanes, at kung anu ano pang nakikita ko sa labas ng bintana... Sige, pipilitin kong hindi magpatunaw simula ngayon..)
"Ikaw ang tangi kong mahal
Ang laging kong dasal na sana ay matagpuan..."
Habang kumakanta si Brenan, ang daming tumatakbo sa isip ko... Sabi ko sa sarili ko...
Nung matagal na walang laman yung dibdib ko, and inaasar ako sa mga barkada ko o kahit sino pa, kahit anong gawin ko hindi sila pumapasok.. Ewan ko.. Siguro kasi hindi naman sila nag attempt, or nag attempt sila, hindi ko lang alam.
Eh ngayon, hindi ka nag attempt.. Pero nakapasok ka.. Pero pilit kang nagwawala sa loob, gusto mong lumabas.. Kaya ayan, sugat sugat tuloy yung puso ko...
Pero sabi nga nila, lalabas ka rin. Dahan dahan lang. Kapag pinilit, sa utak lang yun gagana. Pero doon meron pa rin...
Hindi ko talaga iniexpect na mahuhulog ako... pero totoo pala yun.. bigla na lang dadating. May bigla na lang papasok. Pero di naman magsstay. Aalis din. Manggugulo lang. Susugatan ka lang. Pero aalis din... Sakin pa nangyari. Ampotek.
Pero nung tinamaan ako, may tugs talaga doon. Hindi to, "love at first sight" kasi kilala na kita non.. I won't even call it LOVE.. kasi hindi ko matanggap... Hehe. It is such a traitor feeling that time, dumating ang tugs but not on the right time and it caught me out of control...
That time, nagpray ako para sa hindi ko ikasasaya, kasi alam ko kung san ako sasaya.. alam kong challenge to, so I prayed na sana kaya kong tiisin... sana saglit lang to.. pero hindi ko makontrol... yung utak ko keri pa... pero parang lagi akong inaatake sa puso..
Ngayon... ikakasal ka na, handa na ba kong mastroke sa sobrang saket? Ayoko.. Pero ang sakit sakit.. Alam ko wala naman kayo nakikita saken.. Napakadali kasing ngumiti and once na nakita yon ng mga taong nasa paligid, it hides everything even the pain..
Sana maging tulad tayo ng posteng yon, standing and supporting each other through connecting wires... Pero I can only be the one post from now on, which sees the post I am previously supporting... keeping full support on another post.
Sana we could be the plane na naglalanding ngayon.. ako ang body which keeps the passengers safe, and you're the wings and engine which make us all reach the top... but then again, I can only be the wheels which lifts the whole heavy burden when the plane touches the ground.
Sana we can be like the clouds and the sun, that gives both a stunning sunset and sunrise.. But now, I can only be the sun that stands in one place and looks at the cloud as the wind blows it away from me.
*wow shet… ako ng makata… )
I knew it. I knew it right from the start. Ako ang capital loser.
Ok lang. siguro, sabi ni Lord, dadating din ang oras na hindi tayo magkikita. And yung time na yun, hindi dati. Kasi pinabalik nya pa ko dito para makita ka.. or para magkita tayo ulet..
Sabi nya, hindi ako ang lalayo... Ikaw ang lalayo... that time.. It will be the end.
Hindi ko makakalimutan how painful this birthday is...
Ako: (tumingin ako sayo... hindi mo talaga pinakawalan yung mukha ko patapos na yung song..)
Ikaw: (nakatitig saken... and sinabi ng mahina...) Sorry..
Yung word na yon, stab deeply into my heart... Wala... Wala na... I feel like a dead person alive.
So I smile na lang... and we look into each other till the song ends...
"Ikaw ang tangi kong mahal
Ang lagi kong dasal na sana ay matagpuan
Ikaw, hangang sa kailanman
Hindi magsasawa na magmahal kahit nasasaktan..."
1 comments:
hindi magsasaw na magmahal kahit nasasaktan..siya na talaga AKO! Galing tae! Ouchness :(
Post a Comment