Ikaw at Ako
Chapter 5
Title: It Started With…

tumblr_leyo83iOU81qb0pwpo1_500

Pano nga ba?
Pano nga ba ko nagkaganito?
Pano ako nagkaron ng sakit?
Anong sakit ko?
Ako lang ang nakakaalam ng lahat bukod sa mga taong pinagkkwentuhan ko. 2 months lang. Oo, tama. As in dalawang buwan. Nagsimula yon isa sa mga araw ng 2 months na yun... Sarcastic smile

----
Flashback:
Shet! ang aga ko ata... 8.30 na ah. bakit walang tao. Tinext ko si sis (he's a girl) and tinanong ko san sya nakaupo para dun ko na lang sya aantayin. Maya maya nakita ko si Ber.
Ako: Uy Ber! Dito pala kayo. San ako uupo.
Ber: Jan ka daw sa tabi ni Jay.
Ako: Sige. May training pala ko ng 10 mamaya.
Ber: Ah oo nga. Sige hatid kita dun. Open-mouthed smile



At hinatid nga ko ni Ber dun sa room ng training, bago lang kasi ako sa building di ko pa kabisado. Dapat kahapon pa ko pumasok, kaso naka leave ako, pero nagstart na yung training kahapon kaya namiss ko yung lesson. Pero ok lang daw sabi ng instructor. Sumilip ako sa training room, shet nagsstart na sila. Nahihiya ako pumasok. Ano ba to... Don't tell anyone smileSige na nga bahala na!

Binuksan ko yung pinto and nagtinginan sila saken, as usual.
Ako: Good morning po. Hello. *smile*
Instructor: Oh Liezl upo ka na. Sya pala si Liezl. Absent sya kahapon kasi naka leave sya. Pero oks lang, may experience na naman sya dito sa topic naten, mejo alam nya na to.
Ako: Ehehe. Hello. Hello sa inyo. (smile. upo. then talikod sa kanila)

Nakita ko yung isa kong clasmate na nagtataas ng kilay dun sa katapat nya. Parang sinasabing, "Oo.. pede". Parang ganon. Pero di ko na pinansin. Umupo ako sa tabi ng babae. Si Amy. Di pa kami close. Dalawa lang kaming babae sa klase. Di ko sila pinapansin buong training. Sige ako ng snob. Pagtapos ng training alis agad ako. Nalaman ko na lang na sila pala eh magkakatabi sa iisang cube. Ako nakahiwalay, nandun na ko sa project area kahit di pa officially na dun ako. Pero dun din naman na ko pupunta, and yung manager eh sabay kaming naroll off sa iisang project, ngayon magkasama kami sa iisang project ulet.Be right back
So buong training ng mga 5 days, ganun lang ako. Hindi ko sila kilala by name. Hindi ko sila kinakausap. 2 hours lang naman kasi yung training. Saka yung nagtuturo samin, echusera. Ewan ko dun, ayoko sa kanya. Ang ewan magturo. Sya ng magaling. haha.

At dumating ang araw na kaming lahat ay napasok sa iisang project, since may upuan na ko, sila nag ayos pa ng upuan. Nakatabi ko sa cube si Bert. Katabi ni Bert Ikaw. Nagtawag ng meeting si manager para magkakilanlan, 5 kaming magkakakilala na kasi nanggaling kami sa iisang project. Tapos yung iba puro bago sa company. So after magpakilala, niloko na ko nung isang lalaki, si Von.
Von: May tanong pa daw tong katabi ko.
Ikaw: Ano? (tumatawa)
Von: Ano daw hobbies mo? (nakatingin saken)
Ako: Wala eh. Lumamon. Matulog. Hehe...

Hindi talaga ako matandain sa pangalan kaya naiiba ko yung mga pangalan nila. Mejo nahirapan nga ko maging kasundo sila, mailap talaga ako sa una. Tahimik talaga as in. Si sis lang lagi kong kausap na katabi ko naman sa kabilang side.

Lumipas ang mga araw, nakikipag biruan ka na saken. Pinapansin mo yung look ko at kung anu ano pa.Smile
"Ang blooming mo ngayon ah!"
"Parang may iba sayo ngayon ah."
"Tara na sabay na tayo umuwi."
"Oh may ganyan ka pala. Sayo yan? May mga songs jan? Pakopya naman. Yung mga pang chill lang. Meron ka non?"
"Liezl gamit mo? Pahiram naman. Isolate ko lang sarili ko."

Sige gora lang! Kahit anong trip... cool ako jan. Unti unti ko na din kayong naging close, mga after a month. Nakakabanat na rin ako, pero hindi ko sinasakyan mga banat mo. Ngumingiti lang ako, kasi alam ko namang joke joke lang yon. Maniwala talo. Nyah-Nyah

Hanggang one time, nakikinig ako ng music, nakataas yung isa kong paa sa upuan. Napatingin ako sa kaliwa kasi may nafifeel akong something. Ayon! Huli ka! Vampire batNakatitig ka saken. Edi tiningnan din kita as usual. Para kang nag iisip na ewan, naghahanap ng sagot sa mukha ko. Meron ba? Sabi ko "Baket?", di ka sumagot. Nagtaka na ko. Sa isip isip ko, "Laki ng problema nito ah"... Bigla ko tinawag si sis... "Sis Sis tingnan mo si Owe nakatitig saken"... Bigla kang natauhan nung sinabi ko yun. Bumalik ka sa harap ng pc mo.
Simula non, lagi ko na sinusuot yung hood ng jacket ko. Hindi ako nagtatali ng hair. Lagi kong tinatakpan yung mukha ko ng kamay ko, para hindi mo ko nakikita. Baket? Nahihiya na ko. Embarrassed smileHindi ko alam kung kelan mo ko titingnan ulet, and not when I'm looking nerdy na nagiisip, not when I'm not aware.. pls lang. pls lang. Natutunaw ako sa hiya.

One day pag gising ko, parang gustong gusto ko pumasok. Nung dumating ako, naka smile ako tapos may hinahanap yung mata ko. Yung feeling ko "Anu ba to para akong may sakit... may something saken." Makalipas ang ilang minuto, dumating ka na, hindi ka na tinantanan ng mata ko and yung smile ko eh laging nakadikit sa bibig ko. Sa isip isip ko "Potek! Anu ba to?"Sleepy smile.... Masaya yung feeling ng puso ko, pero yung utak ko nagmumura na talaga ako hanggang sa umabot na nag iisip na ko ng gamot. Anu ba to, nahihilo ba ko? Biogesic. Sinisipon ba ko? Neozep. Aha!!! Sabi ni doctora pag may masakit daw, dolfenal. Hmm... Kaso wala namang masakit saken. Ano bang gamot sa weirdo? Bingo!!! Alak!!! Tsk tsk... Ang problema walang alak sa clinic. Ang hirap pala pag walang gamot yung sakit. Hahays.Alien

Shempre anu pa. Edi nagpray ako ng malupet! Nagpray ako na sana mawala na tong sakit ko, kung ano man to. At sa awa naman, mejo nabawasan naman kinabukasan. Whew!!! Sabi ko na nga ba, pray + tulog worked for me. Mga 50% ng kaweirdohan ko eh pinasok ko sa loob ng unan ko, and yung 50% nakokontrol ko  naman, parang wala lang.

-End of flashback.

 

Yung sakit ko noon, iba na sa ngayon. Walang biogesic, neozep or dolfenal noon. Ngayon, pede na ko uminom ng dolfenal. Pero hindi ko ginagawa. Ouch. Crying face

SA’YO by Freestyle

 

NoteNoteNote

Technorati Tags: ,

1 comments:

Anonymous said...

natawa ako dun sa echuserong nagtuturo.. haha..

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner