Ikaw at Ako
Chapter 8
Title: Drink to Heal
Ugh. Parang ayoko ng gumising ngayong araw na to. Kagabi lang, ang saya natin. Ngayon, sila na lang masaya, wala kasing pasok, bigat ng pakiramdam ko. Aguuyy...
Tiningnan ko mga pics naten kagabi. Ang cucute!!! Meron pang kuha na tinamaan ako sa noo ng racket... And kuhang kuha yung bukol ko ha infairness. Photogenic ka pala sa picture, tsk tsk yan mga artistahin eh. Kahit anong pose mo ang cute, bagay sayo, or mata ko lang nakakakita non? Ewaaan... Nu ba nangyayari saken para akong may after shock!
Ayoko na. Di na ko mapakali. Nabitin ako sa inuman kagabi. Kelangan ko to ilabas, ang bigat eh.
Ako: (sa phone) Hello Ola.
Ola: Oi. Zeeelll.
Ako: Pede ka mamaya?
Ola: Bakit? San?
Ako: Asan ka ba? What time uwi mo?
Ola: Maya pa ko mga 6pm. Dito pa ko sa work.
Ako: Sige. Kita tayo sa SM.
Ola: Sino sino ba?
Ako: Wag ka na magtanong. Basta punta ka na lang.
Ola: Sige. See yah later sis.
Ako: Sige text mo si Kat.
Ola: Ok.
…
- Another call -
Kat: Hello Zel?
Zel: Kat. San ka?
Kat: Work. Baket?
Zel: Pede ka maya?
Kat: Ok lang. What time ba?
Zel: Mga 7pm.
Kat: Oh sige. Hanggang 6 pa naman ako. San ba?
Zel: Kita na lang tayo sa SM.
Kat: Sige.
Zel: Choks! Ingat!
OK. choks na. May kasama na ko mag liwaliw. Pero wait, there's more! San pala kami pupunta? Ah bahala na. Basta kelangan ko ng kausap.
Kinagabihan, hindi agad ako nakaalis ng bahay kasi si Ermats wala pa, walang tatao samin. Mga 8 na ko nakaalis, at galit na si Kat sa mga text nya. Ok lang, saglit lang naman byahe ko.
Pagdating ko dun, kausap ni Kat yung iba naming friends. Hmm... I smell something fishy, sila lang dalawa ni Ola niyaya ko. Siguradong tatanungin ako ng mga to. Naayos ko din naman agad, mejo nakakaguilty lang kasi hindi talaga ako komportable marinig ng iba yung kwento ko except kay Kat and Ola.
Anyway, kumain kami ng dinner after mahiwalay ko yung dalawa dun sa iba.
Ako: Hay naku, kayo lang dalawa tinawag ko. Bat nandito yung iba.
Kat: Kala ko kasi kasama sila, nasabi ko tuloy.
Ako: Haayy.. nakakaguilty... wag mo na uulitin.
Ola: Oo nga. Parang di mo naman kilala si Zel.
Kat: Naku, sorry. Sige next time. Oh bakit ka nga pala nagtawag?
Ako: Wala lang. gusto ko lang magliwaliw.
Ola: San ba tayo?
Ako: Kahit san.
Ola: Oh tara Timog.
Ako: Seryoso? Tingnan mo nga nakapambahay ako. Bangasan kaya kita.
Ola: Bat ka naman kasi nag ganyan girl.
Ako: Eh ang lapit lang naman nito sa bahay eh. Sa bahay na lang kaya? Hmm... Sige pede samin.
Ola: Sige!!! Miss ko na si Mader! May salad ba kayo?
Kat: Sige ok lang saken. Miss ko na rin si Ate.
Ako: Walang food sa bahay. Bili tayong inumin. Paki kontak si Rom, para sunod sya saten. Tara...
Bumili kami ng konting chips, since 4 lang naman kami.. Tapos alak shempre, saka pang halo, gawa kaming Boracay na drink. Diretso kami sa bahay. Di na rin kami kumain, kasi tapos na dun sa mall, nagtimpla na kami agad at naghanda para sa kwentuhang inuman.
Kat: May papakita ako sa inyo. Mga boylets. Zel sabihin mo nga kung OK sayo.
(inopen ni Kat yung fb sa laptop. May pinakita syang mga pictures ng guys na kilala nya.)
Ako: OK lang naman. Kung sinong feel mo. Nasa sayo yan. Buti ka pa nga ang dami eh. Ako zero as in itlog!
Ola: Hay naku girl sa ganda mong yan... Ikaw nga may pinakamaraming boylets dati.
Ako: Wala namang lumapit. Mga duwag kaya yung mga yun.
Rom: Oo nga Zel. Dami daming may crush sayo eh. Pati nga bakla eh nagiging lalaki.
Ako: Stop me! Wala na nga ngayon. Tagay tayo jan!!!
(isang bottoms up)
Kat: Kaya ka ba biglang nagtawag? Anong nangyari?
Ako: (tumahimik... kumuha ng madaming chips.)
Ola: Hmmm. Anu yan sis?
Ako: Wala... Malungkot lang ako. May papakita ako sa inyo.
(Nagbrowse ako sa laptop, yung mga pics naten kagabi.)
Ako: Oh. sinong OK?
Ola: Anu ba yan!!! Wala namang papa!
Ako: Weh?
Rom: Eto. Cute naman magsmile. (sabay turo sa pic mo)
Ako: *smiles* Sssss… Sya ang problema.
Ola: Hmm? Sino yan?
Ako: Kaopis.
Ola: Oh baket?
Ako: May jowa.
Kat: Oh problema nga!
Ola: Pede pa yan bakla!
Ako: Muka mo! 7 yrs!
Kat,Ola,Rom: SEVEN YEARS!!!!!!!
Ako: Sssshhh!!! Ang ingay nyo! Naririnig tayo sa taas!
Kat: Baket ano ba nangyari? Lumala ka no?
Ako: Oo.. nakakainis.
Kat: Ano nga nangyari?
Ako: Wala naman… Wala naman talaga to nung una. Bigla ko na lang nafeel one day, parang lagi ko syang hinahanap. Gusto ko sya makita. Sus. Alam nyo yon. Symptoms ng “gusto mo”.
Rom: Tapos?
Ako: Ayun. Habang tumatagal, nahuhulog ako. Pag bagsak ko, walang net, walang foam, walang kahit anong malambot na bagay. Semento lang. Bog! Ouch. Ang tigas. Masaket.
Kat: Hmmm…
Ako: Nakokontrol ko naman pag nasa office. Parang wala lang. Tamang asaran lang kami, tas paglipas wala lang. Well sa kanila, looks like wala lang. I’m acting wala lang din. Yet tinatamaan ako. Pinipilit ko talaga umilag! As in! Wala eh… masyado syang malaki para ilagan, and hindi masarap pag tinamaan. May jowa eh.
Rom: OK lang yan Zel. Ikaw pa!
Kat: Hmm… Kilala kita Zel. Sigurado akong hindi nila nakikita na ganyan ka. Magaling ka magtago eh. Pero hindi sa mga close mo talaga. You have talking eyes and acting face and body. Ikaw na ang artista, pero di kami.
Ako: Artista? Anak ng… Haha!
Kat: Di nga! Alam kong wala pa yan sa mga alam namin sayo dati… Ikaw?! Hindi ka naman madaling mahulog. Magaling ka lang sumakay. Sila pa nga nahuhulog sayo eh.
Ako: This time, ako naman! Waaah!!!
Kat: Tsk. Anu ba! Ang lakas lakas mo mambusted! Straight to the point! Pag gusto mo na, wala… tahimik ka lang… waiting… parang tanga… Kung alam mo kung kelan magsasabi ng AYAW, dapat alam mo rin kung kelan sasabihin na GUSTO. This time… you should say it sa tamang tao. And kami yon. So samin mo na lang sabihin na GUSTO mo sya…
Ako: Uuuhh… alam nyo na yun.
(Kumuha ng isang shot… tapos isang shot pa ulit.)
Kat: Ok guys. Advice time! Inom muna!! Wooooo!
(tossed and shot)
Ola: Meron akong kakilala 9 yrs! Pinag aral nya pa yung babae ng college. Hanggang makagraduate. Tapos ayun, break na ngayon.
Rom: Ako rin meron kilala 7 yrs…
Kat: Hoy mga bakla talaga kayo… Tigilan nyo yan. Ano ba kayo, wag natin paasahin si Zel. Kelangan nya mag move on. Di ba?
Ako: So what now?
Ola: Kelan ba kayo huling nagkita?
Ako: Kagabi. Nagliwaliw kami kagabi.
Ola: Oh anong nangyari?
Ako: Wala naman. Kagabi ko nalaman yung 7 yrs. Pero alam ko na na may gf sya. Nahulaan ko lang. Hindi naman talaga ako kumakagat. Alam nyo yon. Ako ang nakagat.
Ola: Angel? Ikaw ba yan! Ikaw na sige!!!
Ako: Hahaha! Adik! Alam kong alam nyo anong sinasabi ko. And sobrang rare ako magkwento, ngayon lang. Kase….
Rom: … tinamaan ka. nasaktan ka… ang cute nyo sa picture ah.
Ako: Naman! Pero wala na yan… Sobrang loyal nya sa gf nya.. Lagi ko silang nakikitang magkausap sa phone, kasi LDR sila ngayon…
Kat: Oo. Ikakasal na yan. Magaasawa na yan. Mag aanak na yan. Ikaw ba naman ganon katagal… magsesettle ka na… Sayang Zel! Lagi na lang!!! Haha!
Ako: Oo nga! Nakakainis! Lagi na lang akong binibigyan ni Lord ng mga taong dadaan lang. Kukurot lang. Babatukan lang ako. Tuturuan lang ako. Tapos aalis din. Walang nagsstay. Ano bang plaka nakikita nilang suot ko? “For Rent”??! Waah!
Rom: Haha! drama mo ah!
Ako: Eeeh!! Nakakaparanoid! Sa lahat na lang ng huhulugan ko, dun pa sa may sabit! Eeerr!! Shet… Ano nga ba nangyari kagabi? Hindi ko masyadong maalala.. Waaahhh ayoko na pumasok… baka may nagawa akong something… nakakahiya!!!
Kat: Asus! Ewan ko sayo! Wala ka naman ginagawa pag nakakainom ka eh! Saka di ka naman nalalasing eh! Pinapatumba mo nga lang sila Edik eh! Kilala kita Zel. Hindi ka naman ganon… Alam mo yon. Makakalimutin ka lang talaga. Haha!
Ako: Tamaahh!
Kat: Basta alam naman namin na kaya mo yan eh… Move on lang. Mejo mahirap nga lang kasi nagkikita kayo, pero wag mo na lang pansinin. Magaling ka naman jan eh. Forget it. Hindi worth yung mga ganyan na laman ng utak mo, and kinukuha time mo. Tama na ang nareminisce mo, pede na yun pambaon. Tapos ibaon mo na talaga.
Ola: Korek. Mukha pa naman syang yummy, pero may iba ng tumitikim sa kanya. So wala na yang sarsa… Di na yan masarap pag nakisalo ka pa. Haha!
Ako: Nak ng term yan… Kaya ko to ako pa.. Nagka aftershock lang ako kagabi, mas nakapaginteract kasi kami, pero wala naman… Naisip ko lang na hindi ko na mapagpapatuloy pa ang closeness and beyond… mamimiss ko lang siguro… Tama na. OK na ko. Healing moment na to.
Ola: Si doctor EX gusto mo?
Ako: AYOKO! Haha! Inyo na!
Rom: Naks! Oh tagay pa!!!
Kat: OK lang yan Zel. Next time, tawag ka ulet. Pag di keri sabihin mo lang. Nakahanda naman mga tenga namin. Gusto mo iwan pa namin ngayon dito, para lang may makinig sayo. Yun lang naman kelangan mo. Kasi alam mo na anong dapat mong gawin. Anong tama and mali. Maliit ka lang tingnan, pero yang puso and utak mo madaming laman, ang laki. Enough na yun na pag naumpog ka, you know what to do. Pag di mo alam, call us.
Ako: Thanks at nanjan kayo… Hindi nyo ko tinanggihan ngayon.. Buti na lang!!! Salamat! Touch ako…. awww…
Kat: Ewan ko sayo.
Ola: Kami pa.
Tama. Time to move on after knowing na wala na talaga… As in capital OLATS! Etlog. Loser. Lahat na lang! Ako na… Sige! Tsk!
1 comments:
Kalurkei talaga ang situation mo. ahha.. Half Crazy Talaga..
Post a Comment