Thursday, March 3, 2011

Ikaw at Ako… (“Heart Building I”)

Ikaw at Ako
Chapter 7
Title: Heart Building (part I)

image

Yehey! Yehey! Yehey!

Team Building Day!

First time ko maglalaro ng badminton na may net, well I mean sa court. Naglalaro na ko dati kaso tamang laro lang, pinapanis ako ng varsity kong pinsan, tae. Anyway, nagready na ko ng groupings namin, yung tatlong itlog ewan ko sino partner nila basta di pedeng magkakampi yung dalawa sa kanila.

So with our bags, pumunta na kami ni sis sa pwesto nyo para tawagin kayo at ng makaalis na tayo kasi sayang yung reservation ng court. At the end, nauna na kami ni sis, kasi sobrang busy pa kayo eh. Sobrang traffic on the way sa court, umuulan pa.

When we get there, we almost miss an hour of our reservation, so bale a hour na lang kami maglalaro. Dumating si Amy, Ano, and Von, nandun din si Bert. Wala Ikaw and yung mga Bos mo, busy ata kayo. Sabi ni Von hahabol daw kayo.Sad smile

We started the game, magkakampi kami ni Von while kalaban namin si Amy and sis. Nakakapagod pero masaya! Ayun, natalo kami, galing ni Amy eh, pumepektus. Naglalaro na kasi sya dati pa. Edi next game ulet, this time magkakampi na kami ni sis.

Sis: Zel, dun ka sa unahan.
Ako: Ok.




Anjan na ang bola... ayan na... tumakbo ako, tumakbo si sis... at.... tugsh!!!
Aray shet, sakit sa ulo. Natamaan nya ko ng handle ng racket, mas malaki kasi sya saken, pagbaba nya ng racket tinamaan nya yung noo ko. Ang chaket. Confused smile
Sis: Sorry Zel... Nakuuu..
Ako: Ok lang.. parang may bukol ako.

Nagpunta ako ng CR, sumunod si Amy, kasi hindi pede si sis sa CR ng mga babae.. Alam nyo na, mas gusto nya sa CR ng mga guys madaming behbeh dun. Hehe. Ayon, pagtingin ko sa salamin, may bukol nga.. Lumabas ako ng CR, sinalubong ako ni sis na may dalang ice water na pantakip sa bukol, para lumiit ng onti. Di na rin ako naglaro, nanood na lang ako.

Habang nakasalpak yung icepack sa noo ko, kausap ko sarili ko.
Ako: (tumingin sa entrance) hmm wala pa rin kayo. 30 mins na lang ang natitirang oras sa court. San na kaya kayo. Gusto pa naman kita kakampi, tas kakalabanin natin si Amy and Dan or Von, tas si sis yung taga picture. Yihiee.Flirt male Gusto rin kita makita maglaro, anong itsura mo sa court. Anong itsura mo pag tumitira ka. Swabe kaya. Cute kaya. Tuturuan din kita ng apir pag naka score tayo, tapos tatawa tayo pag may maling tira tayo. Magsosorry ka saken pag mali ka. Magsosorry ako sayo pag mali ako. Tas apir ulet... Ang saya di ba! Mali. Ako lang pala masaya nun. Hehe. Pero malamang hindi na ko maglalaro nun, kasi injured ako eh. Pipicturan na lang kita! Game! Asan ka na ba? Dumating ka na...Sleepy smile

8.29...8.30.. Ting! time's up! Game over na kami. Walang Ikaw na anino mo ang nagpakita sa court.

Pag labas namin, umaambon. Nagshare na kami ni Ano sa payong, this time papunta naman kami kung san kami mag dinner. Malapit lang daw yun dun sa court.

Pagdating namin dun nandun na kayo, *Yehesss!* Red heartnakaupo ka na kasama si Ber, Bos and super Boss Jai. So kumuha ako ng seat at tumabi ako kay Bos, katabi ni Bos Ikaw, katabi ko si Von sa kabilang side.
Ako: Bos tingnan mo... (pinakita yung bukol)
Bos: Oh anu yan.
Ako: Na slam ako ni sis.
Sis: Hindi ko kasi sya nakita eh.
Ikaw: Patingin nga... Oo nga no.. Hehe.
Ako: Tsss...
Von: Dapat kasi nagsabi kayo ng mine, mine.
Ako: Weh, tayo nga hindi nagsabi ng ganun kanina.
Von: Hindi ba!?

At dumating na ang inorder nila Bos. Persian food kami ngayon, puro meat.. Kaya ako umubos ng salad na gulay, mejo diet eh. Hehe. Masarap. Plate
Von: Zel picture tayo. Hawakan mo to. (binigay yung knife).
Ako: *pose*pose*pose*
Von: Tingin... (kinuha yung cam kay sis) Waahh ang cute ah. Ang galing mo umanggulo ah.
Ako: Nye. Natural yan. Hehe.
Von: Kita yung bukol mo sa pic.
Ako: Eeehhh...

At nagpicture picture ang team... After magdinner, napagkasunduan namin na magpunta sa bar, para naman maiba ang trip and mood. So nung lumabas kami ng resto, umaambon pa pero I have my payong naman, pero walang payong si sis kaya pinahiram ko na sa kanya kasi inalok kami ni Amy ng super boss namin na sumabay na sa sasakyan. On the way sa kotse, wala nga pala akong payong.
Amy: Oh Zel wala tayong payong.
Ako: ay shet. honga.
Sis: Tara Zel.
Ikaw: Oh Zel dito ka na sabay saken.
Amy: Assusss...
Ako: (*Kinuha ang kamay ni Sis.. at nakipayong) Sa isip - hmm teka parang tinawag  mo ko... Bat ba ko nandito kay sis nakipayong... Ugh! Sayang.Annoyed Tangengots mo naman kasi hindi ka lumapit saken aalukin mo lang ako. Ayan si sis tuloy ang napuntahan ko... Tsk. Aangkla pa naman ako sa kamay mo... Iiih.. Kainesss.

Pagdating namin sa bar, ako ang pinakahuli sa pila... Parang may napansin akong lalaking kakilala ko.. shet. si Ned.. Ka schoolmate ko dati. Kalaro ko rin sa online game dati. Kaguild ko din. Cool sya kausap, hindi maarte. Pinansin ko naman.. Nagulat sya. Haha. May kasama syang schoolmate din namin pero hindi ko kilala. Nakipagkwentuhan lang ako saglit... Tapos biglang dumating si Dan and Bos, hinahanap pala ako, akala nila napano na ko. Pinakilala ko lang sila, tas iniwan ko na si Ned.

Pagpunta ko sa table nyo, ikaw yung nasa dulo, and nandun na rin yung isang empty na seat for me nasa tapat mo. Nilapag ko sa empty seat yung bag ko, pinalipat kita. Umupo ako sa tabi ni Ano. Sa kanan ko Ikaw. Sa tapat ko si Amy katabi ni Dan. Ayan magkatabi tayo. Goshing.
Ikaw: Umiinom ka ba? (Kumuha ng dalawang baso. Nilagay yung isa sa tapat ko, isa sa tapat mo)
Ako: Mmm. (Tango lang) In love
Ikaw: Talaga? (Naglagay ng beer sa baso ko). Yan ubusin mo yan.
Dan: Oh bottoms up... Cheers!!!
(Nagcheers kaming lahat... at nakalahati ko yung baso)
Ikaw: Oh bottoms up tayo.
Ako: Mm? (Nakipag cheers at ininom ung tira. Wala namang tama pa.. Nilagyan mo ulet ng laman yung baso ko pagkaubos ko.)
Nahain na rin yung pulutan sa tapat natin. Iisang fork lang gamit natin dun sa plate sa tapat naten.
Kumuha ako ng pulutan, yun yung tira namin dun sa resto.
Ako: Mm.. Ok pampulutan.
Ikaw: Tikim nga. (Kinuha yung fork sa kamay ko.)
Ako: (Shet. Parang may kuryente sa kamay ko, Surprised smilebakit ganun ka humawak? talagang ang bagal mo kunin ung fork, and yung fork lang kelangan mo, bakit kelangan haplusin pati kamay ko.. Ok lang.. Ganyan ka pala pag nasa bar.. HmmmSarcastic smile)
Ikaw: Hmm. Sarap ah. Ok pala to ah.

... lumipas ang oras, madalas ko kausap si Ano kesa sayo. Kasi para kang naiilang saken, ewan ko ba kung nahihiya ka or something. Pero kinakausap mo naman ako once in a while.
Ikaw: San na yung kasama mo?
Ako: Sino? Ah yung nandun sa unahan.
Ikaw: Mmm.
Ako: Ah school mate ko yun.
Ikaw: Aah.. (kumuha ng pulutan... kinain.. nilapag yung fork)
Ako: (Kumain din ng pulutan)
Ikaw: Ang arte mo naman.
Ako: Huh? Baket?
Ikaw: Hindi mo na lang ginamit yung fork na ginamit ko.
Ako: Eh mas malapit yung isang fork na nakay Ano eh.
Ikaw: tssss....
Tinitigan kita. Ewan ko kung nagiinarte ka lang or ganyan ka lang talaga. Di bale, di ko na papansinin masyado. Kinuha ko yung cam ko and nagpicture.

Ikaw: Tingin ko nga. Patry nga.
Binigay ko yung cam sayo, as usual ganun na naman yung way ng pagkuha mo. May haplos sa kamay ko... Kung pede ko lang i-stop yung oras na hawak mo yung kamay ko, ginawa ko naHigh five. Kaso wala akong ganong powers eh. Kaya konting kilig lang, oks na saken.
Ikaw: Pano to?
Ako: Ganito...
Lumapit ako sayo, halos magkadikit na yung ulo naten. Ang lapit ng mukha mo saken. Sarap mo i-kiss... Iihh!! Haha joke lang. Tinuruan kita pano inavigate yung cam ko... Nagtry ka rin picturan ako, pero hindi ka ata sanay humawak ng cam eh or lasing ka lang, hindi maayos yung kuha eh. Hmp. Pinakita ko na lang yung mga pics sa cam. Pinakita ko yung pics namin nung new year.
Ikaw: Oh! Nagpalechon kayo.
Ako: Mm. Mm.
Ikaw: Yaman ah.
Ako: Nyek.
Pinakita ko picture ni ate, ng mga pinsan ko.. At kung anu ano pa.. Halos magkadikit na talaga yung ulo naten habang hawak ko yung cam and pinapakita ko sau ung pics. Secret telling smileInaamoy nga kita eh, mukang di ka naman nagpeperfume. Di ka rin naman amoy ewan, swakto lang.. kilig ako. Ahihihi...

continuation on Part II…

2 comments:

Anonymous said...

testing comment...

Anonymous said...

yihee. kakilig, kainis naman bakit pinutol pa. hehe..

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner