Ikaw at Ako
Chapter 7
Title: Heart Building II

polls_hug_2538_336046_poll_xlargeAs the night goes on, we did pretty small talks lang. While we were talking, may tumutugtog na banda and singing yung mga songs na gusto mo… commonly called by you as “pang chill chill lang”.. Pareho tayong nakatingin sa banda habang kumakanta sila.Note

Ako: *Sa isip* Yan yung mga songs na gusto mo. Kung marunong lang ako kumanta, edi pinaalis ko na yung vocalist jan at ako na ang pumalit, dedicated pa sau. Oha. Kaso sobra naman atang cheesy non. Note

Marami pang tosses ang naganap, maraming cheers ng beer and hard drinks ang itinaas at ini-straight ng buong team. Well hindi naman ako madaling malasing, kasi lagi akong nawiwiwi. Makailang beses din ako bumaba para lang umihi, wala pa kong kasama, ok lang kaya ko pa naman. Martini glassMug

Ako: Tara samahan mo umihi.
Ikaw: Huh? Baket?
Ako: Hmp. wala. (Nakita si sis pababa) Siiissss! Sama ako. Haaayyy…
Sis: Hmm… Zel ha…
Ikaw: Ay mag CR din pala ako.

Wala naman pila sa CR ng girls kaya saglit lang ako. Paglabas ko, wala ka, wala rin si Sis. Tumayo muna ko sa harap ng TV, basketball palabas.

Ikaw: Oh nanonood ka rin nyan.


Ako: (Tae neto nanggugulat ampSurprised smile).. Ah. Di masyado. Asan si sis?
Ikaw: Kala ko kasama mo?
Ako: Nyek. shempre hindi sya magCR dun sa mga girls di ba. Di mo ba kasama?
Ikaw: Hindi eh.

Tumingin uli ako sa TV. Ikaw rin nanonood. Magkatabi tayo habang pareho tayong naka cross-arms and nanonood. Mejo inaantok na ko, late na rin kasi, kung pede lang ako sumandal sayo edi ginawa ko na. Pero hinde. Kaya ko pa kontrolin. Kaya ko pa. Don't tell anyone smile

Sis: Anu yan?
Ako: Oh. Anjan ka na pala. Tara. (Lumakad na kami papuntang taas, pero nauuna ka samin)
Sis: Dapat di ko na kayo dinaanan eh, umakyat na ko mag isa.
Ako: Baket?
Sis: Ang sweet nyo eh. Nakakaistorbo ako.
Ako: Nyek. Wala naman kaming pinaguusapan. Nanonood lang kami.In love

Pagdating natin sa table, nakita ko si Von nasa upuan mo. Nasa likod niya mga girls sa kabilang table. Ah alam ko na to. Didiskarte tong adik na to. Tiningnan ko yung cam ko, nagulat ako may picture ni Von kasama yung mga girls sa likod nya.
Ako: Whoa! Surprised smile
Von: Pinsan ko yan. Wag mo ipopost yan ah. Penge akong copy.
Ako:  Asus… Sige.
Von: So kamusta naman kayo ni Owe?
Ako: Huh? Wala naman.
Von: Sweet nyo nga eh.
Ako: Weh.
Von: Oh eto na lang. Gwapo ba si Owe?
Ako: (Ayoko sumagot kasi magkatabi lang kayo, pero mukhang di ka naman nakikinig sa usapan, busy ka kay Amy) Ayus lang.
Von: Anung sagot yan. Oo or hindi lang.
Ako: Pede na… Ano bang gusto mong sagot?
Von: Ayusin mo, para namang bata to.
Ako: Oh sige. Oo.
Von: (Humarap sayo) Pre. pogi ka daw.
Ako: Haa!! Adik! Sleepy smile
Von: Baket sabi mo oo ah.
Ako: Ah ganon. sige mukang maganda naman ipost yung picture mo eh no.
Von: Hinde. Hinde. Eto naman masyadong seryoso.
Ako: Hahaha!

Ikaw: Ah Zel. Ang cute naman nyan.
Nakita ko yung kamay nya na papunta sa necklace ko.. Hinawakan ko agad yung kamay nya before nya pa mahawakan yung kwintas ko.
Dan: Pasimple naman to si Owe.
Ikaw: Di kasi, maganda yung kwintas nya.
Ako: Hmm.. Punk(talaga lang ah….)

Tumayo ka, napansin kong may hawak kang yosi. Pumunta ka somewhere. Nakipagkwentuhan na rin ako kay Amy and Von.
Von: Ang tagal na nila no?
Amy: Honga eh 7 years.
Von: Bat di pa kaya magpakasal yun.
Amy: Ewan ko kung kakayanin ko yun, 7 years. Tapos ngayon long distance pa sila.
Ako: (nakikinig)
Von: Ako nga pinakamatagal ko 4 years lang.
Amy: Ako nga wala eh… Haha.
Ako: Anu yon? Anong 7 years?
Amy: Ah. Yung gf ni Owe. 7 yrs na sila.
Ako: Aaah… (aah.ah-ouucchh Broken heartCrying face)
Von: Selos ka naman.
Ako: Haha. Bakit naman. Ewan ko sayo.
Von: Asus kunyari ka pa.

Ewan ko.. Bigla akong natahimik after non. Kumuha ako ng isa pang shot, kumain ng pulutan.. Tapos nag isa pang shot.. Tapos kumain ulit. Tinitingnan ko kunyari sa cam ko yung mga pics namin… Maya maya dumating ka.

Von: Oh pre dun ka muna.
Umusog ako sa upuan ko, tumabi ka saken. Ang sarap mong yakapin kaso potek, naiisip ko yung 7 yrs…Sleepy smile

Ikaw: Oh Zel marunong ka ba magmasahe?
Ako: Huh? Baket?
Ikaw: Para massage mo kami.
Ako: Hindi eh.
Ikaw: Araay ang sakit ng likod ko.. Hay kapagod naman..
Ako: Hmm…. Sige…
Sinuntok suntok ko yung likod nya, pero mahina lang and isang kamay lang gamit ko. Ayoko kasi na makita nila ako na todo effort sa massage sayo.
Ikaw: Lakasan mo ng konti.
Ako: Eh ang lapit mo kaya saken (Sa isip: Kulang na lang maghug tayo eh, iisang upuan lang naman inuupuan naten. Buti na lang seksi ako kasya tayo… chos!Secret telling smileGusto kita bugbugin! Hmp! Hmp! Nakakainis! Bat ba pinakilala ka pa ni Lord saken! Para lang mahulog ako tas di mo ko sasaluhin! Nakakainis ka!!! Hmp! *suntok suntok* Sad smile)

Naguusap kayo ni Von habang sinusuntok ko yung likod mo. Hindi ko kayo magets kasi malakas yung tugtog… Kinakausap din ako ni Ano… Maya maya, bigla ka na lang nawala. Di ko na napansin kasi kumakain ako at nawili din ako sa kwentuhan namin ni Ano.

After 30mins, nagkayayaan na maguwian. Late na rin kasi. Inaantok na rin ako, pero wala akong amats. Pinaubos ko kay Von yung beer ko sa baso kasi wala ka pa rin, sayo ko sana papainom. Ewan ko kung san ka nagpunta.

Nagready na ko ng gamit ko. Inayos ko yung cam ko. Napansin kong wala yung hood ng cam ko. Hindi ko alam kung nasan!!!! Waaah! Hinanap ko sa ilalim ng table. Wala. Sa ilalim ng kabilang table, wala din!

Ako: Amy, nakita mo yung hood ng cam ko?
Amy: Hindi eh.
Bos: Wala dito.. Kanina yung saken nawawala, ngayon naman yung sayo.
Ako: Waaah…. San ako bibili non! Anak ng… Tsk di bale na nga.Sad smile

Iniwan namin yung table ng malungkot ako dahil nawawala yung hood ng cam ko. Naiinis ako, dumikit na lang ako kay sis. Pagbaba namin, nakita namin kayo ni super bos na naguusap.

Bos: Nawawala yung hood ng cam ni Zel.
Super Bos: Huh! Bakit san mo nilagay?
Ako: Mmm… (super sad)
Ikaw: (lumapit saken) huh? anong nawawala sayo?
Ako: Yung hood ng camera ko.
Ikaw: Ha? Eto ba yun? (Biglang may nilabas sya sa bulsa nya)
Ako: (Nagulat! Tumingin sayo ng matagal)Thinking smile
Ikaw: Sorry. (nakangiti)Angel
Ako: Mm. (kinuha yung hood). Ok lang. (smile… sa isip isip: tae nasa sayo lang pala!)
Ikaw: Sorry. Hindi ko alam pano napunta yan saken. Nakita ko na lang nasa kamay ko.
Ako: Di wala yun. At least nakita ko na. (Nakadikit pa rin kay sis)Eye rolling smile
Ikaw: Sensya na Zel ah.
Ako: (Natatawa.) Hehe. Wala nga yon. Ok lang.Smile

Naghiwahiwalay na ng landas yung iba, sumabay na si Amy and Dan kay super Bos. Nagtaxi naman si Sis and Bos. Ako, magbabus, takot kasi ako mag isa sa taxi at saka ayoko magdalawang sakay. Kaya lumakad pa ko papuntang sakayan. Kasama ko yung tatlong eggs, hatid daw nila ako.

Von: (may kausap sa phone) Asan kayo? Dito na ko Buendia. Malapit na. Saglit na lang. (binaba yung phone)
Ako: Tibay! Di ka pa nga nakakasakay eh, nasa Buendia ka na agad!
Von: Pinsan ko yun. Pinapapunta akong blue wave.
Ako: Weh. Pinsan.
Von: Honga! Sama ka? Ano, Owe sama kayo?
Ikaw: (towards saken) Sama ka.
Ako: Kayo na lang. Inaantok na ko. Kaya nyo na yan.
Ikaw: (lumapit saken habang naglalakad) Ano ba yang bag mo, mabigat?

Napansin mo ata na nabibigatan ako sa bag ko. Eh pano, nandun yung pinanlaro ko… At… bigla mo na lang kinuha yung bag ko.

Ako: Oh baket?Surprised smile
Ikaw: Ako na.. Ang bigat ah!!! Kaya mo to?
Ako: Ako na… (Hindi binibitawan yung bag)
Ikaw: Ako na. Malapit na naman oh.
Ako: Ako na. (Ayoko talaga ibigay yung bag ko. Ayoko ipabitbit sayo kasi baka hindi mo na isoli at mapilitan ako sumama sa inyo sa bluewave. Buti na lang hindi ka na nagpumilit dalhinNyah-Nyah)

At nakarating na kami sa sakayan.

Von: Oh anong sasakyan mo.
Ako: Malanday na bus.
Von: Oh hatid ka na ni Owe.
Ako: Hindi. OK lang ako.Princess
Ikaw: Tara na. (sabay akbay saken)
Ako: (Juskupo… yung kuryente mo.. anak ng… kaya ko to… kaya ko to…Rolling on the floor laughing) Keri ko na to.
Ikaw: Nakainom ka pa. Kaya mo ba?
Ako: Sus. Pag hinatid mo ko, hindi ka na makakauwi sa inyo.
Von: Hahaha!!! bat di mo na ba sya pauuwiin? Oh eto kelangan nyo to.
Ako: Adik. Hindi nya alam pabalik.
Von: (may dinudukot sa wallet) Etong discount card…
Ako: Anu yan? Para san yan?
Von: Para may discount! Sa ano to… san ba to (sabay tingin sa card)
Ako: Waah! Loko ka!!! Crying face(Taena neto ni Von, binibenta ako… hindi ko agad nagets yun ah… Naalala ko lang pag nagkkwentuhan barkada ko, pag sinabing discount card tapos galing sa wallet… sa hotel/motel pala yon! Gago tong si Von!)
Von: Hahaha! Joke lang! (tumatawa rin si Ano and Ikaw)
Ikaw: Tara na. Hatid na kita.
Ako: Wag na. Baka maligaw ka pa. (Baka manligaw ka… sana.. joke!Laughing out loud
Ayoko.. ayoko magpadala… iniisip ko yung 7years… para hindi ako mahulog. Keri ko naman to)
Von: Oh eto na pala yung bus.
Ako: Hindi ako sumasakay sa ordinary.
Ikaw: Ang sosyal mo naman!
Ako: Bat ikaw sumasakay ka ba?
Ikaw: Hinde… (sabay tawa… yung kamay mo sa balikat ko nandun pa rin… gusto ko na sumandal sayo kasi inaantok na ko, pero hindee!! hephep!!! gising! gising!)
Ako: (ang tagal naman ng bus… konti na lang yayakap na ko sayo…Red heartRight hug tahimik si Ano, hindi nagsasalita… ganito pala tong si Von pag nakainom… mas makulit… Ikaw parang wala lang… pero flirt ka pag nasa bar ha…)
Ikaw: Wala kang jacket? Asan yung jacket mo? Suot mo. Di ka ba nilalamig. Naka sleaveless ka, gabi na.
Ako: Wala akong jacket.
Ikaw: Bat di ka nagdala?
Ako: Eh wala eh.. Mainit kanina. Umulan lang.
Ikaw: Hmmm. Sana hindi ka na lang nagsuot ng sando.
Ako: Hindi to sando. Sleeveless to. (tumingin sayo…)
Ikaw: (Nakatingin din. Nakangiti… sabay akbay pa ng mahigpitLeft hugGirl)
Ako: Hmm… *nakasmile* (Oops! Shocks.. Anu ba… Nakatingin si Ano and Von… Wag mo ko masyado ihug… Kinikilig ako… haha… Tama na po… Hindi na ko makapalag.. grabeness… ayoko… I won’t hug you back… Fingers crossedOps mga kamay ko, jan lang kayo sa bag ko. Humawak kayo ng mahigpit jan… Anu ba bebe ko nakakainis ka…. haha landi langBe right back)

Von: Sweet nyo ah. Tara na nga Ano, alis na tayo dito. Pre ingatan mo yan.
Ako: Sandali na lang… Ang tagal ng bus eh.
Von: Oh sige, hatid ka na namin lahat. Alam ko naman kung san yon.
Ako: Ano?! Hindi na kaya ko na to.
Von: Ok lang… Pakilala mo kami kay Mama.
Ako: Haha. Adik… ayan na yung bus. Wag kayo susunod ah! (lumakad na ko… pero nakasunod pa rin yung kamay mo sa balikat ko)
Von: Oh ayan na pala eh… Tara na… (sabay sunod sa likod ko)
Ako: Tae. jan lang kayo. Kaya ko pa mga adik! Sige ingat kayo… (lumakad na ko ng mabilis. bumitaw na rin yung kamay mo sa balikat ko. Kumaway muna ko, before ako umakyat sa bus..)
Ikaw: Ingat ka ha!!!
Ano: Ingat Zel.
Von: Oi ha! magtext ka pag nasa bahay ka na.
Ako: Ewan ko sayo. Wala akong number nyo.Call me
Von: Ay honga pala! haha. sige ingat!

At sumakay na ko… I can still feel yung after shock ng semihug naten. Its so warm… yet nalulungkot ako..Sad smile

That one night gave a lot of memories of you to me already. Swak na yon so I can remember what happened and understand what I really feel for you. Now I know…

Bakit Ngayon Ka Lang – Freestyle

- End of chapter -

3 comments:

Anonymous said...

Haaaayy.. this is the best chapter na nabasa ko. naghalo-halo ang emotion ko. haha.. parang may sinimbolize yun pagkuha ni Ikaw ng hood ng cam ni AKO. parang nde hood yun kinuha nia sayo e. hehe.. and this is the night na nagfall ka na talaga sknya. haayss, kakilig, nakakalungkot lang na meron na pala sya at 7 years pa. if IKAW loves AKO talaga kailangan nia manindigan kung sino talaga para hindi na magpatuloy ang sakit na nararamdaman. :(

Anonymous said...

kaiyak yun song. swak na swak sa situation.

Anonymous said...

kiligness tae, sige kayo na ni Ikaw! Ba't naman kasi may sabit yang si Ikaw, swak na sana kayo *bop*

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner