Saturday, February 19, 2011

Ikaw at Ako… (4–”Malayo”)

 

Ikaw at Ako
Chapter 4
Title: Malayo Freezing

couple-breaks-up1

Inhale. Exhale. Whheeew...

Again.

Inhale... Exhale.. Haaahhh...

Sumisikip na naman yung dibdib ko. Aguuyy.

Ang saya pa naman ng moment natin.... In love

Von: (pumunta sa pwesto ko) Di ka pa kakain?
Ako: Uy. Ha. Wala pa ko food eh. Sige kasabay ko sila Amy.
Amy: Tara na.
Ako: Wala pa si Ber. Susunod yun. Antayin natin. Dun na lang tayo sa upuan nya mag antay.

Umupo ako sa upuan ni Ber, sa likod ni Ber upuan mo, pero wala ka na dun kasi kumakain ka na. Nagiwan ulit ako ng chocnut sa table nyo and sayo. Habang nagkkwentuhan kami ni Amy, nakita kitang

naglalakad papunta samin. Parang merong mga stars na kumikinang sa paligid mo, StarAngelganun ata talaga pag nananaginip mga mata ko.

Thursday, February 17, 2011

Ikaw at Ako… (3–Mader Meets Ikaw)

 

I had a hard time writing this. I cant put the story in words the way I wanted to… the result… I find it too complicated to read.. I don’t know how to revise it. Natatawa ako pag binabasa ko. Haha…

Well, try to give your shot then.

 

-----

Ikaw at Ako
Chapter 3
Title: Mader Meets Ikaw

tumblr_lc5zq95joR1qc2zn8o1_500

Dumating ang aming nanay-nanayan at ang maganda kong Ate eh binuking ako kay Mader about sayo. Ayan nag anticipate tuloy si Mader na ipakilala Ikaw.

Mader: Hello mga babies!
Ate: Mader! Ipapakilala kita sa boyfriend ni sister.
Ako: Anong boyfriend... Hindi po Mader. Wala po yun. Hehe

Nilibot namin yung floor, and nakita namin yung mga kakilala namin. Nag greet lang. Huminto kami kung san nandun Ikaw at mga kasama mo.
Ate: Mader ayun po yung boyfriend ni sis.
Mader: Asan?
Ate: Ayun po. Yung *description description*
Mader: Aaahh... (tingin saken)

Nagulat ako bigla tumayo Ikaw, kasunod sila Von. Papunta kayo sa kinatatayuan namin. *Dugs dugs sheet eto na...*

 

Monday, February 14, 2011

Ikaw at Ako... (2 - "Biyernes")



Ikaw at Ako
Chapter 2
Title: Biyernes

---
Song: Sa Isip ko'y yakap ka pa, sa isip koy walang iba.. mananatiling ikaw ang kapiling... kahit sa isip ko man lang... Alam kong meron ng iba, ang init ay nanlamig na...

Nakakatamad. Wala akong pampagana.
Wala Ikaw. Wala kong pang motivate
Hindi pumapasok sa utak ko lahat ng binabasa ko.
Hindi ko maabsorb ano ba to.
Kahapon, katabi ko nga Ikaw
Hindi naman tayo nagusap masyado.
Kahit di ko Ikaw lagi nakikita
And tuwing sa pagkain ko lang Ikaw nakakasama
Nakakamiss pa rin
Everytime na tumatayo ako
Titingnan ko Ikaw sa upuan mo
Makikita kong seryosong nag iisip,
Kahit wala yung favorite kong ngiti
Ok lang saken, maaninag ko lang Ikaw.
Kaso ngayon, kung kelan naman huling araw ng pasok
Dadaan ang mga araw na walang pasok
Na hindi kita maaabot ng mata ko.
Kahit ngayon lang sana masulyap
At least may baon ako di ba.
Eh wala eh.
Wala Ikaw.


Wednesday, February 9, 2011

Ikaw at Ako… (1–“By Land”)

 

Whew! blogging again! May nagtrigger saken to do this, and nagmemelt na ang oras so I have to keep the moments and experience instead. That’s all I can do. I will keep a series of this till the end and what not?! =)

---

Ikaw at Ako
Chapter 1
Title: By Land

valentinetrain500

Dinala ang lunchbox and tumbler, nagpunta sa pantry para maghugas, pero iniwan muna ang gamit at dumiretso sa CR. Pagbalik sa CR:
Ako: (may nakitang mag isang lalaki na nagkakape)
Ikaw: (tumingin nang makarinig ng ingay sa likod)
Ako: Oh! anong ginagawa mo jan?
Ikaw: Wala, nagbbreak lang. Ikaw?
Ako: Eto, maghuhugas.
Ikaw: **@*&^#%@ (may sinasabi pero di ko magets)
Ako: <tumingin…. deadma>...
Ako ulit: Ha? Anu un?
Ikaw: Haha. Nagbibingibingihan ka naman.
Ako: ndi ah. Anu un? Di ko narinig.
... walang kibuan.
Ikaw: Alam mo ba pano pumunta ng Manila?

 

 



 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner