Wednesday, February 9, 2011

Ikaw at Ako… (1–“By Land”)

 

Whew! blogging again! May nagtrigger saken to do this, and nagmemelt na ang oras so I have to keep the moments and experience instead. That’s all I can do. I will keep a series of this till the end and what not?! =)

---

Ikaw at Ako
Chapter 1
Title: By Land

valentinetrain500

Dinala ang lunchbox and tumbler, nagpunta sa pantry para maghugas, pero iniwan muna ang gamit at dumiretso sa CR. Pagbalik sa CR:
Ako: (may nakitang mag isang lalaki na nagkakape)
Ikaw: (tumingin nang makarinig ng ingay sa likod)
Ako: Oh! anong ginagawa mo jan?
Ikaw: Wala, nagbbreak lang. Ikaw?
Ako: Eto, maghuhugas.
Ikaw: **@*&^#%@ (may sinasabi pero di ko magets)
Ako: <tumingin…. deadma>...
Ako ulit: Ha? Anu un?
Ikaw: Haha. Nagbibingibingihan ka naman.
Ako: ndi ah. Anu un? Di ko narinig.
... walang kibuan.
Ikaw: Alam mo ba pano pumunta ng Manila?

 

 




Ako: Huh? Manila? San sa Manila?
Ikaw: Pedro Gil.
Ako: Hmm.. baket?
Ikaw: May kakilala kasi ako dumating.
Ako: manggagaling ka saan?
Ikaw: Dito.
Ako: Hmm. MRT-LRT. May station sa LRT na Pedro Gil.
Ikaw: Ang layo naman. Di ba pede yung by land lang.
Ako: Land naman yun eh. Ah alam ko na. Punta ka Ayala. Tapos sakay ka ng bus papunta LRT. Tapos baba ka ng gil Puyat. (Sa isip: MRT-LRT.. tapos diretso yun.. sa puso ko iiihh Red heart)
Ikaw: Gil Puyat? San yun.
Ako: basta dun sa may station ng LRT.
Ikaw: sa Buendia. Anong Gil Puyat. Buendia.
Ako: Hahaha. Yun din yun, Gil Puyat yung station sa LRT. Buendia pag MRT.
Ikaw: Aaah.
Ako: Sabihin mo sunduin ka na lang nya. Hina mo naman sa kanya.
Ikaw: Eeh hindi rin yun maano dito.
... 1 min.. tapos na maghugas.
Ikaw: Oh may food ka ba jan?
Ako: Ha? Meron.
Ikaw: Enge naman.
Ako: Sige mamaya. Bigyan ko kau.
Ikaw: (tumayo) sige ping mo na lang ako.
Ako: (nadisappoint. hmf. kung kelan nman tapos na ko saka pa sya umalis)

After 1 hr. IM:

Ikaw: san na?heheh
Ako: (oh. si crushee nag pm) onti lang to eh..punta ka dito :P bigay ko sau
Ikaw: ai, cge kulang pa yan sau heheh... choks lng ako :)
Ako: hala ang arte. bibigay ko talaga to sa inyo. cge ako na lang magdala jan.. ;)

Ako: (nagpm kay Friend) nagpm si crushee iihh...
... (oops di nasend..)... (may napansin sa tabi nya)
Ikaw: Oh asan na?
Ako: Oh! (Nagulat. nag alt tab, kita pa rin! tinakpan ng ibang window ung chatbox kay friend... success) (tumingin kay crush)
Ako: eto oh. (Isip: Yes! Sleepy smileDi nya nabasa... kinuha yung turones)
Ikaw: Anu yan?
Ako: (kinuha yung kamay nya, nilagay ung turones)
Ikaw: (hesitates)
Ako: Oh bat ayaw mo kunin?
Ikaw: (Kinuha) Anu to?
Ako: Masarap yan. Ay! Parang candle! Di ba bday ni Ano! Oh kunyari candle sindihan nyo tapos pablow nyo sa knya. Haha!
Ikaw: Eh?
Ako: Akin na. Punta ko sa inyo. Lokohin ko si Ano. Tara!

pagdating sa kanila...
Ako: Ano! Happy bday! may gift ako sau...
Ano: Tnx. Anu yan?
Ako: charan! tingnan mo parang candle. sinisindihan yan sa dulo.. tapos blow mo ah. hehe.
Ano: Haha.
Ako: Oh. share mo sa kanila. (kumuha ng isa. lumipat sa tabi ni Ikaw)

Ikaw: Oh tara kain na. baka maubos pa yan. (kinuha sa kamay ko ung nakapack)
Ano: Anong lasa?
Ikaw: Masarap. Bitin naman.
Ako: Konti lang kasi eh.
Ikaw: Oh nasan na yung talong ko?
Ako: Ha? Eh. wala. hindi ako marunong gumawa nun no. Wag ka na magtanong.

After nila kumain...
Ako: Balik na ko dun... Babay.
Ano: Uy tenks ha.
Ako: Ge. Hehe.


Pagbalik sa upuan. may nagping:
Ikaw: tnx
Ako: sure welcome ;) (kilig In love)

 

After few hours...
Ako: (Nagpunta ng pantry. Nakasabay si Von papunta din ng pantry)
Von: Hehe. Gugulatin sana kita eh.
Ako: Nyeehh.. Wag mababasa ka, may dala akong tubig oh.
Von: Awts. Bat di ka pa umuuwi?
Ako: Mamaya pa ko eh. Ikaw bat di ka pa umuuwi?
Von: Gusto ko na nga umuwi eh. Kaso yung training eh.
Ako: Aaah... Si Amy bat di mo sinama dito.
Von: Eh.. yoko na makialam sa pagmamahalan nila.
Ako: Haha! (nakipag apir) Eh yayain mo lang naman dito sayang oh kwentuhan tau.
Von: Ikaw. Ano na nangyayari sa inyo ni Ikaw?
Ako: Huh? Ano un? (natahimik)
Von: Oh. walang gf yun. Nasa *somewhere*.
Ako: (ngumiti lang)(Isip: nandun ung gf nya, nandun ung family nya, nandun ung buhay nya, nandun ung puso nya...
ang dala nya lang dito ung utak nya, pati katawan nya.
pano un magiging saken, kung kulang kulang sya... Crying faceBroken heart)
Von: Sabi nga nila, pag nakatali mas madali hulihin.
Ako: Haha. Baket nakatali ka ba?
Von: Haha. Hindi eh. Pilit akong tinatali pero pilit din akong nakakawala eh.
Ako: Hahaha! ganon! (Isip: hindi ako tumataya sa sugal na alam ko na hindi pa nga ko tumataya, talo na ko Sad smile)
Von: Ikaw ah niyayari mo na naman ako! (sabay apir)
Ako: Hehe. eh pano naman kase, ang dami mo ng oras nung wala si ano.. ngayon bumalik na sya.
Von: eeh.. We're just friends.
Ako: haha! Ewan ko sau!


- END -

1 comments:

Anonymous said...

hahaha.. lufet ng mga lines...

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner