Thursday, February 17, 2011

Ikaw at Ako… (3–Mader Meets Ikaw)

 

I had a hard time writing this. I cant put the story in words the way I wanted to… the result… I find it too complicated to read.. I don’t know how to revise it. Natatawa ako pag binabasa ko. Haha…

Well, try to give your shot then.

 

-----

Ikaw at Ako
Chapter 3
Title: Mader Meets Ikaw

tumblr_lc5zq95joR1qc2zn8o1_500

Dumating ang aming nanay-nanayan at ang maganda kong Ate eh binuking ako kay Mader about sayo. Ayan nag anticipate tuloy si Mader na ipakilala Ikaw.

Mader: Hello mga babies!
Ate: Mader! Ipapakilala kita sa boyfriend ni sister.
Ako: Anong boyfriend... Hindi po Mader. Wala po yun. Hehe

Nilibot namin yung floor, and nakita namin yung mga kakilala namin. Nag greet lang. Huminto kami kung san nandun Ikaw at mga kasama mo.
Ate: Mader ayun po yung boyfriend ni sis.
Mader: Asan?
Ate: Ayun po. Yung *description description*
Mader: Aaahh... (tingin saken)

Nagulat ako bigla tumayo Ikaw, kasunod sila Von. Papunta kayo sa kinatatayuan namin. *Dugs dugs sheet eto na...*

 


Dumaan Ikaw sa harap ko, pero hindi ako makatingin, nakatingin lang ako kay Mader na nakangiti saken, hinuhuli nya mga reaction ko. Alam na nya. Parang nag stop yung pagdaloy ng dugo ko, at pede

na ko ipalit sa figure ng kalabaw sa luneta. Huminto Ikaw sa gilid ko. Napalunok ako. Tiningnan ko Ikaw.

Ikaw: (Nakatingin saken)
Ako: (Umiwas ng tingen.) Bakit?
Ikaw: Wala. Kakain na. Tara Kain na tayo. Eto oh.
Ako: Sige susunod ako. (ngiti... kinakabahan pa rin... Nakatingin pa rin si Mader saken, kahit nakikipag usap sya sa ibang tao)
Von: (Huminto sa harap ko) Pakilala mo daw kasi yung boyfriend mo. (sabay turo sayo)
Ako: Hehe. Adik.

Habang kumakain, kinakabahan ako. Inayos mo pa yung table namin para iisang table tayo, kahit di nila kilala si Mader. Teka, bat parang ang bait mo ngayon... Maya maya nagtext na si Jat, sinundo ko

sya tapos pinaupo sa table namin. Hindi sya kilala nila Von pero kilala sya ni Mader and sis.

Von: (Nakatingin saken... may sinisignal yung mata nya. Tiningnan nya si Jat and Amy.... Gets ko na.)
Ako: Jat si Amy nga pala.. Amy si Jat.
Von: Yeesss naman Amy. May bago na namang karibal.
Amy: Anong saken? Sakanya yan (sabay turo saken).
Ako: Hindi ah. Sayo na yan. Yihii naman.
Von: Naku. Ang sama na ng tingin ni Ikaw oh.
Ako: Asusss...

Habang nagkkwentuhan kami ni Jat, mas lalo akong kinabahan. Lumipat kasi ako ng upuan, nakikita ko Ikaw sa gilid ng mata ko.. Nakatingin saken tapos titingin Ikaw kila Von. Magkkwentuhan. Titingin

saken. Aayos ng upo. Magdedekwatro. Titingin saken.... Hindi naman ako makatingen kasi alam kong nakatingin Ikaw. Ngayon mo lang ata napansin yung bago kong hairstyle. Nakakapanghinayang lang.

Hindi ko Ikaw matingnan. Yun pa naman ang favorite kong moment - magkasalubong mga mata natin.
Hanggang sa wala na kayong mapagkwentuhan and kami meron pa, pero hindi nyo naman kasundo si Mader and Jat kaya umalis na lang kayo. Ang weird lang, ang tagal mo lumabas. May kung anik anik

ka pang ginagawa sa likod ko, naghugas.. Kumuha ng inumin, uminom... Naghugas ulet.. Nagpunas ng pinaghugasan.. Kinausap ko si Ano, kasi wala sya kahapon. Inaantay nya rin Ikaw kasi kung anu ano

pang gingawa mo.
Ako: Uy, wala ka kahapon. Kamusta.
Ano: Ayun pumirma lang ako. Mas mahaba pa nga yung byinahe ko kesa sa ginawa ko dun.
Ako: Naks naman! (Apir!)
Ano: Haha.

Nakita mo ata kaming magkausap. Ok. Mas komportable akong kausap si Ano sa ngayon, kasi talagang kinakabahan ako ngayon pag kaharap ka. Dumadagdag siguro kasi nandito si Mader, at ang weird

mo. Meron kang something na gustong gawin or sabihin. Pero di kasi ako ashumera, hinayaan ko na lang. Trip mo yan eh.
Nakatingin si Mader saken, napansin nya rin ang napansin ko... Ang mga nanay talaga lakas ng signal.
Ako: (kay Mader) bakit po?
Mader: (Nakangiti. Umiling lang)
Ako: (sa Isip: Nag aantay ata si Mader na ipakilala ko Ikaw. Eh bat ko naman gagawin yun, wala namang meron at baka anu pang isipin nun. Pero sige na nga, pag dumaan papakilala ko.)
Dumaan Ikaw... Ang bilis di ko napansin...
Ako: (sa isip. Okay. Busy Ikaw. Aray, yung dibdib ko.)
Mader: (Nakangiti na nakatingin saken)
Ako: (Ngiti lang din. Alam nya kayang may sakit ako?) Hehe.

Kasama si Ate, Mader and Jat, nagpunta kami ng 7-11, di pa kasi nag lunch si Jat saka may binili rin ako. Sinamahan ko na rin bumili ng chocnut para kapag nabobore ako pede ako kumain ng matamis.

hehe. Pagbalik namin, naiwan na si Mader sa kabila saka nagpaiwan na rin si Jat. Umupo ako sa upuan ko and binigyan ko si Kuya Seatmate ko ng chocnut, binigyan ko rin si Ate. Tapos pumunta ako kila

Von buti na lang gising sya, Ikaw kasi and si Ano natutulog. Binigyan ko si Amy, Von and yung iba pa ng tig iisa lang. Nung bibigyan ko na Ikaw, natuwa ako kasi ang sarap ng tulog mo. Di mo man lang

narinig na hinagis ko ung chocnut sa table mo. Pagkahagis ko hindi umayos, kaya kinuha ko ulet tinabi ko sa madali mo makita pag gising mo. Tumingin ako sayo. Para kang batang natutulog. Gusto kong

kuhaan ka ng picture and magstay sa kinatatayuan ko tapos titingnan lang kitang natutulog. Kaso si Von nakabantay eh. Umalis na ko, pero iniwanan ko muna ng chocnut si Ano na katabi mo matulog.

Ewan ko baka magkasama kayo ni Ano sa panaginip.

Sayang. Hindi ko nakita yung mata mo na bukas, na nakatingin saken.
Sayang. Mejo in-anticipate ko pa naman yung message na Thanks dahil sa chocnut.At the end of the day, wala. Ok lang wala yun saken.
Buong araw ang sakit ng dibdib ko. Kung naiinuman lang to ng gamot, nagpa overdose na ko. Ang sakit.

- END -

 

Mananatili by Freestyle

 

 

 

---

1 comments:

Anonymous said...

si ikaw, killer smile with killer eyes. hehe.. bakit kasi nde mo sya tinitingnan sa mata kapag tinitingnan ka niya, edi sana nakuha mo lahat ng mga gustong sabhin ng mga mata nia na nde kayang sambitin ng mga bibig nia. o puso nio ang naguusap? yihee.. hehe..

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner