Saturday, February 19, 2011

Ikaw at Ako… (4–”Malayo”)

 

Ikaw at Ako
Chapter 4
Title: Malayo Freezing

couple-breaks-up1

Inhale. Exhale. Whheeew...

Again.

Inhale... Exhale.. Haaahhh...

Sumisikip na naman yung dibdib ko. Aguuyy.

Ang saya pa naman ng moment natin.... In love

Von: (pumunta sa pwesto ko) Di ka pa kakain?
Ako: Uy. Ha. Wala pa ko food eh. Sige kasabay ko sila Amy.
Amy: Tara na.
Ako: Wala pa si Ber. Susunod yun. Antayin natin. Dun na lang tayo sa upuan nya mag antay.

Umupo ako sa upuan ni Ber, sa likod ni Ber upuan mo, pero wala ka na dun kasi kumakain ka na. Nagiwan ulit ako ng chocnut sa table nyo and sayo. Habang nagkkwentuhan kami ni Amy, nakita kitang

naglalakad papunta samin. Parang merong mga stars na kumikinang sa paligid mo, StarAngelganun ata talaga pag nananaginip mga mata ko.


Ikaw: Oh. Di ka pa kumain?
Ako: Ha? Kasabay ko si Amy. Inaantay namin si Ber.
Amy: Malapit na bday nyan oh..
Ako: Kelan?
Amy: Ayan oh. (Tinuro yung board na may nakalagay na 3-8-11)
Ako: March 8? Bday mo sa March 8? (Sa isip: Pisces din pala to, pareho kami.)
Ikaw: Hindi ah. Burahin ko na nga. (binura yung nakasulat sa board)
Ako: Kung hindi. Kelan bday mo?
Ikaw: Tapos na. (sabay ngiti)
Ako: Weh... Kelan nga?
Ikaw: Wala nga tapos na nga.. (tumatawa nakatingin saken)
Ako: (Sa isip - iihh yung favorite kong ngiti kakaineessss - arty langRed heart) Tss.. Ayaw pa sabihin tapos na nga.
Amy: Sige nga kung hindi yan, tingin ka nga kay Zel.
Ako: Hehe. (sabay tingin sayo)
Ikaw: (tumatawa... Tumingin saken...)
Ako: (Nakatingin. Nakangiti.)
Ikaw: (Nakatingen saken... Nakatawa.. Sabay tingin kay Amy) Hindi ako makatingin eh. Hehe.
Amy: Huuhhmm asus di sya makatingin.
Ikaw: Sige dun na ko.
Ako: Ge.
Ikaw: (lumingon) Kayo hindi pa kayo?
Amy: Sige. Susunod kami.

Ang saya di ba? Cute mo talaga ngumiti hayup... Wag mo na uulitin natutunaw ako. Pero ok lang saken matunaw, basta ikaw ang tutunaw. Naks. Mais!Rolling on the floor laughing

...
Dumating kami, tapos na kayo kumain. Tulog na si Von. nagkkwentuhan naman kayo ni Ano. Umupo muna ko sa tabi ni Amy. Ayoko pang bumalik sa upuan ko, gusto pa kita makita. Pero di ka naman

namamansin, nakikita kitang may kinakalikot sa phone mo.

Ber: Anjan na si Bos.
Ako: Anjan na? Tsk. Sige upuan nya pala to. Alis na ko. PM mo na lang ako. Maya Amy.
Amy: Sigeee.

Tumayo ako. Kumuha ng pastilyas. Nagalangan pa ko kung san ako dadaan. Kasi naman nakatingin ka sa dadaanan ko. Pero sige, likod ko lang naman makikita mo. Naglakad ako, pagdaan ko sayo, may

narinig akong boses galing sa phone. May kausap ka pala sa phone. Kilala ko na kung sino yun. Girlfriend mo. Tahimik ka lang nakikinig. Sinulyapan kita, walang reaction yung mukha mo, pero parang

ang lungkot mo. Miss na miss mo na siguro sya. Lumagpas ako sayo, alam kong tinitingnan mo ko habang papalayo ako. Pero di ako lumingon pabalik, dire diretso lang hanggang sa makabalik ako sa

upuan ko.
Huminga ako ng malalim. Sinusumpong na naman yung sakit ko. Sumasakit na naman yung dibdib ko. Wala akong gamot. Uminom ako ng tubig. Halos marinig ko na yung tibok ng puso ko. Naisip ko na

lang, ang lapit natin pero ganun tayo kalayo samantalang kayo ang layo nyo, pero ganun kayo kalapit. Uminom ulit ako ng madaming tubig.

Maya maya may nag message:
Ikaw: sau ba tong chocnut?:)
Ako: hinde.
...
Ako: joke lang. :P yep saken. In love
Ikaw: sau daw eh... tnx po...kaya nabubusog kmi eh... hehehe
Ako: nyek. Ang onti lang nyan busog ka agad. Magsasawa na kayo sa chocnut next time. hehe.
Ikaw: may tndhan ka ata eh hahaha
Ako: haha. wala. Smile with tongue out

Hay. puro tayo ganyan. Usap. Ngiti. Asar. Ngiti. Hanggang jan na lang tayo. Hanggang jan na lang ba? Tsk. Napapagod na ko.
Kelan ba gagaling tong sakit ko. Nakakainis kasi bakit ako pa. Bakit ako? Bakit sayo? Bakeettt?!Crying face

 

Hanap Ka by Freestyle

 

 

 

----

1 comments:

Anonymous said...

nakakainis si Ikaw, bat naman kasi puro pahaging na lang sya, obvious naman na may feelings din sya kay Ako, nde pa nia sabihin. baka naman nag-aalangan si Ikaw dahil may gf na sya and then nagfall sya kay Ako?

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner