Tuesday, March 8, 2011

Ikaw at Ako (“Happy Birthday!”)

Ikaw at Ako
Chapter 10
Title: Happy Birthday!

tumblr_kxvavb92Jx1qalxzjo1_400Ako: (Oh shet. Sya ba yun?)

Naglalakad ako papuntang sakayan, parang nakita kitang nakapila na. Teka wait, hindi ako sure kung ikaw nga yon, pero umiwas ako ng tingin. Nung malapit na ko, wala na nakasakay ka na, or nakasakay na yung kamukha mo, kung sino man yon. Hanu ba to.. Nahahallucinate na ata ako... AlienWaahh..

OMG! Pag minamalas nga naman, hindi ako makaconnect sa chat! Anak ng tipaklong... kelangan ko pa naman makausap si Amy ngayon. Ayoko pumunta dun, iihh. PrincessArte lang. Hehe.

Sa email:Email
Ako: Amy, ano tuloy ba tayo?
Amy: Uy Zel, di pa sure eh. Ask ko sila. Yung lalagyanan mo pala nandito pa.
Ako: Honga pala, punta na lang ako jan. Naubos nyo na ba yung binigay ko?
Amy: Hindi pa. Hehe. Mukang cancel muna tayo ah.
Note: Birthday ni Ikaw today!!!
Ako: Alam ko. Kahapon ko pa nga iniisip kung ano bibigay ko eh... (ooppss.. strike that. - message delete)
Reply again Ako: Honga pala, birthday ni Ikaw my labs ngayon…. Yesss.. Red hearthaha joke lang! Pakisabi happy birthday na lang. Hehe.
Amy: Thanks daw sabi nya, asan na daw yung talong na ensalada nya?
Ako: Ah pumasok pala sya ngayon. Sige punta na lang ako jan later.

 


Di na ko sumabay sa inyo maglunch. Nauna na ko kasabay yung dati kong kabatch, wala na kasi si Sis, iniwan na ko. Hmp. Wala akong maisip na ibigay sau, ayoko namang kahit anong gamit ko.. Makeup? RainbowKeychain? Mobile phonegusto mo? Eeewww!!! Ang weird non, masyadong halata. Ayoko naman din ng mukhang pinaghandaan. In loveMas weird. So I decided na yung usual na lang.

After maglunch, bumili ako ng isang balot ng choknut. Sayang, isang balot sana bibigay ko sayo, kaso kulang yung number of pieces sa age mo. Tsk. Itatayo ko sana lahat yun sa table mo na parang candles forming a cake Birthday caketapos blow mo kahit walang apoy. Hehe. Simpleng sweet lang.

Er!er! Gising! gising! Imagining na naman ang bruha sa loob ko. Kumuha ako ng 3 pieces na choknut. Binalutan ko ng sangkatutak na post it sheets hanggang sa magstable ang pagdikit ng mga post it. Susulatan ko pa sana ng Happy Birthday eh, kaso wag na. Choks na to. Aja!

Nagdala ako ng madaming choknut, para bibigyan ko din sila. Pagdating ko, oh shet. Pareho tayong nakapurple! and nadatnan ko kayo ni Amy na naguusap sa harap ng pc nya.
Amy: Uyy Zel...
Ako: Uy.
Amy: Bday ni Owe.
Ako: Oh. Honga. Happy Birthday. Rolling on the floor laughing(smile ng malupeet)
Ikaw: Thank you. Asan na yung email postcard?
Ako: Hala. Wala eh. Di ako nakagawa. (Gusto mo pala yung postcard greeting sa email... Si sis and Von ginawan ko non.. si Ano ginawan ko rin... Ikaw hindi ko nagawan.. aayy...)
Amy: Oh asan na yung my labs?
AKo: Huh? my labs?
Amy: Yung bati mo dun sa email..
Ako: Aahh! Haha.In love
Ikaw: *smile lang*
Ako: Nabasa mo? (uugghh!!! Ammyyyy!!!)
Amy: Oo. Nabasa nya. Nandito sya sa upuan ko eh.
AKo: Ahaha! Don't tell anyone smile(Anak ng... nakakahiya... di bale, may joke namang nakalagay...)
Von: Oh Zel musta. Binati mo na ba si Owe.
Ako: Oo naman. May gift pa nga ko eh. Charan! Gift with a bow(Sabay labas ng binalot kong choknut and inabot ko sayo)
Ikaw: *smile* Oh ano to.. Nakakahiya naman..
Ako: *smile lang* (nakakastun ka talaga magsmile)
Ikaw: *smile din* Alam ko na to eh..
Ako: Ano?
Ikaw: Choknut. Binalutan mo pa talaga.
Ako: Weh?
Von: Buti pa si Owe may gift. Sana bday din namin.
Ako: Haha. Shempre kayo din. (sabay abot ng tig iisang choknut kila Amy, Bos and Von)
Von: Wow naman.... thank you.
Ikaw: Sabi ko na eh! Choknut nga... Hihihi.
Von: Oh bat sa kanya 3, samin isa lang.
Ako: Eh mas gutom sya eh.. Haha... Hinde.. Para kunyari may meaning.. Hehe. (Meron ba? Meron. Meron? Meron!)
Von: Ganon!
Ikaw: Ano to... "I... hate you"?
Ako: Hinde. (Edi yun na yun! Manhid naman nito...Red heart) Dapat nga isang balot yan eh..
Ikaw: Oh asan na?
Ako: Eh kulang yung isang balot sa age mo eh... Ayan na lang.. Hipan mo muna before mo kainin.. Kunyari candles... Hehe.
Ikaw: Ayyiii... Gusto ko yung katulad kay Ano eh.. Inaantay ko yun eh... Tapos wala... tsk tsk tsk.
Ako: Waaahaha. Hindi ko naman alam na ganun gusto mo eh... Saka lumipat kasi ako ng PC, wala akong pag gawaan nun.
Ikaw: Sus... Salamat ah!
Von: Oh pareho pa kayong nakapurple ah... Nagusap ba kayo?
Ako: Oo nagusap kami.. sabi ko magpink sya, kasi magppurple ako. Haha. Joke.
Ikaw: Honga. Bat mo ko ginaya.
Ako: Weh? Alam ko ba? Gaya gaya ka naman...
Ikaw: Hehe... *smile*... Hot smileAy may alam ka bang malapit na simbahan dito? Magsisimba ako eh.
Ako: Bukas ka na lang magsimba... May mass jan sa tapat.
Ikaw: Eh bukas pa, hindi ko na birthday.
Ako: hmmm.. sa ayala. sa Baclaran.. Dun lang alam ko. Sana kaninang umaga ka nagsimba.
Ikaw: Ang lalayo naman nun. Buti kung sasamahan mo ko.
Ako: Huh? bakit ang laki laki mo na ah... (Wag ganon... Baka iharap kita sa altar sige ka...Punk)

Bumalik ako sa upuan ko ng masaya Laughing out loudkasi at least nabati kita ng personal. Iba pa rin kasi pag personal na binabati, yung naririnig ng tenga and nakikita ng mata... hindi yung isa lang sa dalawa ang makakaexperience.

Shempre nakakaguilty kasi hindi kita ginawan ng postcardSick smile, gusto ko gumawa pero hindi na ko nagpush gumawa kaya bumawi na lang ako sa wall mo. Naka 30mins ata ako magisip kung ano ilalagay, kasi ayokong magsounds like na may laman. At the end, ayun! Satisfied naman ako sa pagbati ko sayo sa wall, kasi among the greetings na nabasa ko, saken yung mejo unique. Hehe.. Ayus! Sige ako na.. And ok lang din naman yung reply mo.

Hindi mo ba naramdaman na nung nag 3 years old ka, after a week pinanganak na ang babaeng para sayo... Red roseShempre hinde, kasi bata ka pa nun... Or naramdaman mo, pero 2 years old ka pa lang. Obviously hindi ako yun. FreezingSayang. Hindi mo ko hinintay...Broken heart

 

Hanap Ka by Freetyle

1 comments:

Anonymous said...

hays. is there really a right love at the wrong time? I guess yes. i feel bad for Ako, hirap talaga magmahal ng palihim. :(

 
Wicked Quest. Template Design By: SkinCorner